TV

Luis Alandy at Max Collins, excited na makatrabaho ang isa't isa


Magsasama sa unang pagkakataon ang Kapuso stars na sina Luis Alandy at Max Collins sa pinakabagong offering ng GMA Afternoon Prime, ang Innamorata.

Gagampanan ni Luis ang role ni Edwin Manansala na ma-i-in love kay Esperanza (Max Collins). Bulag siya rito. Samantala, ang karakter na gagampanan ni Max ay may sakit na porphyria (skin disease). Kahit hindi nakakakita si Edwin, mahuhulog naman ang loob niya sa kabutihang-loob ni Esperanza.

Nang malaman ni Luis na si Max ang napiling gumanap kay Esperanza, ito ang kanyang naging reaksyon: “Very excited ako kasi I’ve been watching Max before.” 

Napanood daw niya ang aktres sa Pahiram ng Sandali kung saan nakatambal nito ang Primetime King na si Dingdong Dantes. Naka-eksena rin ni Max ang award-winning actress na si Lorna Tolentino.

Kaya naman buong paghangang nasabi ni Luis na, “She’s been paired with Dingdong, may depth siya.”

Dagdag pa niya, “She attacks the role na hindi niya iniisip kung tama ba ang gagawin niya. Alam niya na talaga agad ‘pag nandoon [na] siya sa set.”

Nailang ba si Luis kay Max? “Bihira ako mailang. Professional [naman ako],” mabilis na sagot ni Luis.

Tinanong naman ng GMANetwork.com si Max kung ano ang naramdaman niya nang malaman na si Luis ang gaganap bilang Edwin sa Innamorata. “Nag-click kami as friends so walang ilangan noong nag-start ‘yung shoot, parehas kaming chill na tao. We’re really easy to get along with.” 

Sabi pa ni Max, “ It’s nice working with him. Alam namin na habang nagpro-progress ang show mas magiging close kami sa isa’t isa.”

Abangan ang unang tambalan nina Luis Alandy at Max Collins sa Innamorata na magsisimula na sa Lunes, February 17, only on GMA Afternoon Prime.

Makakasama rin nila sina Gwen Zamora, Jackie Rice, Dion Ignacio, Michael de Mesa, Rita Avila, Pinky Amador, Leandro Baldemor at marami pang iba.

Para sa updates ng paborito niyong Kapuso shows at artists, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

--Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.