TV

‘Bubble Gang’ girls reunite in ‘Innamorata’


Tuwing Biyernes walang humpay ang katatawanan sa longest running gag show ng GMA- ang Bubble Gang. Kabilang dito sina Gwen Zamora, Jackie Rice at Max Collins.

Napatunayan na nila ang kanilang galing sa comedy. Ngayong Lunes, February 17, mapapanood naman natin sila sa isang drama series ng GMA – ang Innamorata.

Hindi bago sa tatlo ang drama. Si Gwen Zamora ay gumanap bilang Emily sa Binoy Henyo. Samantalang si Jackie Rice naman ay gumanap bilang Janet sa Bukod Kang Pinagpala. Si Max Collins ay napatunayan ang kanyang galing sa pag-arte kasama ang Primetime King na si Dingdong Dantes at ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali.

Tinanong ng GMANetwork.com sina Gwen, Jackie at Max kung ano ang pakiramdam na magkasama sila, imbes sa comedy ay sa drama naman.

Ayon kay Jackie, “Napapanood ko siya sa [Max Collins] Pahiram ng Sandali, ang galing galing niya! Lagot siya sa akin (laughs),” sabi niya tungkol sa leading lady ng Innamorata.

Dagdag niya, “First time ko siya makakatrabaho sa drama.”

Gaganap si Jackie bilang Gina, ang half sister ni Esperanza (Max) na magpapahirap sa kanya. Kaya naman ang nais gawin ni Jackie, “para matakot sa akin si Max, magdadala ako ng ipis,” pabiro niyang sinabi.

Kasama rin ni Jackie si Gwen sa Bubble Gang, katulad ng kay Max, first time niya ito makakatrabaho sa isang drama.

Malaki ang kumpiyansa ni Jackie,“Alam kong magagampanan ko ng tama kasi nandiyan sila.”

Kontrabida man sa buhay ni Esperanza (Max) sina Gwen at Jackie ay taliwas naman ito sa totoong buhay.

“Ang saya lang kasi magkasama na naman kami, kaya alam namin na makulit sa set. Masaya. Magaan. Napakagaan ng vibes nila,” sabi ni Max.

Kampante naman si Gwen na maganda ang kalalabasan ng Innamorata “kasi nakatrabaho ko na si Max and Jackie Rice,” sabi niya.

Samahan sina Gwen Zamora, Jackie Rice at Max Collins sa pilot episode ng Innamorata sa Lunes, February 17, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa updates tungkol sa kanila at sa shows ng GMA, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.