TV

Max Collins, thankful for supportive 'Innamorata' co-stars


Inamin ni Max Collins sa press conference ng show last February 7 na mixed emotions ang kanyang naramdaman sa umpisa ng Innamorata na kanyang pinagbibidahan.

Excited, at the same time, nape-pressure siya sa kanyang pagganap bilang Esperanza, ang babaeng pinapangit ng sakit sa balat ngunit may magandang kalooban.

“Sobrang pressured, kasi tingnan niyo po kung gaano ka talented ‘yong mga kasama ko sa show,” pagtukoy niya sa veteran actors and actresses na kabilang sa cast.

Mga bigatin at magagaling na artista katulad nina Michael de Mesa, Rita Avila, Pinky Amador, Leandro Baldemor at Juan Rodrigo ang mga makakaeksena ni Max dito kaya ganoon na lang ang kanyang kaba na hindi magkamali pag nakakaeksena sila.

Gayumpaman, nagpapasalamat si Max na buo ang tiwala at suporta sa kanya ng co-stars niya sa Innamorata.

“Silang lahat sobrang supportive sa akin. I wouldn’t be able to do this without all of them supporting  me,” paglalahad niya. 

Dagdag pa niya, “Ang saya ng set namin, very supportive po sa amin [ang mga veteran actors]. Very cool lang so nag-e-enjoy kami sa set.”

Hindi lang sa kanyang co-stars nakakakuha ng lakas at inspirasyon si Max para sa kanyang role. Tinutulungan din siya ng talented director ng palabas na si Direk Don Michael Perez.

Aniya, “Si Direk Don, sobrang supportive. Sobrang galing niya po (na) mag-isip ng shots, kung paano kukunan ‘yong shots, kung ano dapat sa character namin. Dahil sa creativity niya nagagawa nang maganda, sa tingin ko, ‘yong performance ko as Esperanza.”

Pinagdasal ni Max na bigyan siya ng big break at magkaroon ng lead role. Dininig ang kanyang panalangin at ngayon, she’s living her dream.

"I wouldn't say that I deserve it. I would say I deserve to be blessed. Sobrang nagpapasalamat po ako sa GMA,”  buong pagpapakumbaba niyang sinabi.

Bukod sa challenging role, nahirapan din daw si Max sa prosthetics na kanyang isinusuot dahil almost two hours ito kung ilagay at two hours din kapag tinanggal. Minsan, nagkakaroon siya ng break-out pagkatapos tanggalin ang prosthetics.

Kwento niya, “Medyo challenging pero bukod sa prosthetics happy naman ako sa role ko. Actually, mas napi-feel ko siya ‘pag naka-prosthetics po ako.”

Dahil sa suporta na kanyang natatanggap, malaki ang pasasalamat ni Max, “Greatest thanks to all of you, sa support ninyo. I’m so blessed working with all these wonderful people. Sana ma-in love kayo sa characters namin, katulad kung gaano namin kamahal ang characters namin.”

“Sana mahalin niyo rin po ang Innamorata. Sana ma-inspire kayo sa story, kasi hindi lang siya drama,mystifying but also inspirational, heartwarming, and about love,” pagtatapos niya.

Panoorin si Max Collins bilang Esperanza sa Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa updates ng paborito mong shows at mga artista, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

 --Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com