TV

Max-Luis of 'Innamorata' another winning tandem by GMA, says Michael de Mesa


Ang veteran actor na si Michael de Mesa ang gaganap na Lloyd sa Innamorata, ang ama ni Edwin Manansala na gagampanan naman ni Luis Alandy. Hindi pabor si Lloyd sa pag-iibigan ng kanyang anak na si Edwin at ni Esperanza (Max Collins) dahil nandidiri siya sa sakit sa balat ni Esperanza na porphyria.

Ipaglalaban ni Edwin ang pag-ibig niya kay Esperanza ngunit paglalayuin sila ni Lloyd.
Marami pang makakasama si Michael de Mesa sa Innamorata na kapwa niya beterano na sa mundo ng showbiz katulad nina Pinky Amador, Rita Avila, Leandro Baldemor at Juan Rodrigo.

Bago sa lahat ang tambalan nina Luis Alandy at Max Collins kaya ayon sa beteranong actor, “It’s going to be interesting.”

Aniya, kapansin-pansin ang galing ng GMA sa pagkilatis at pag-build up ng mga bagong love team kaya naman very promising ang first tandem nina Max at Luis.

“GMA has come up with another sought-after tandem,” dagdag niya.

Ang advice ni Michael de Mesa sa leading lady ng Innamorata na si Max Collins: “My advice to Max would be to just stay the way she is. Study her craft. Love her work. Most importantly, huwag lalaki ang ulo.”


Inanyayahan din niya ang Kapuso viewers na tangkilikin ang Innamorata, ang bagong show sa GMA Afternoon Prime.

Abangan ang Kapuso veteran actor na si Michael de Mesa sa Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa updates ng paborito ninyong shows at mga artista, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

-- Text  by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com