TV

'We are under the helm of a really brilliant director' - Pinky Amador on Direk Don Michael Perez



Mapa-telebisyon, teatro at pelikula, hindi maitatanggi ang kanyang galing sa pag-arte, kaya ganoon na lang ang ating pagkaawa sa sinapit ni Esperanza kay Delia.

Sa una, maganda naman ang pakikitungo ni Delia kay Esperanza ng naging artista ito. Nagbago ang lahat nang magkaroon ng sakit sa balat (Porphyria) si Esperanza. Dito na nagsimula ang pagmamalupit ni Delia kay Esperanza.

Kaya naman nang makausap namin ang veteran character actress, kinumusta namin ang relationship nila ng lead star ng show na si Max Collins.“Kami ni Max, we have a special bond. Kahit sa role namin na magka-away kami, we identify with each other,” kwento ng aktres.

Dagdag niya, “I didn’t even know na ugly duckling din pala ang pinagdaanan niya. I felt very much like that when I was younger.”

Pagdating naman sa leading man ng ‘Innamorata’ na si Luis Alandy, sinabi niya,“I’ve known him for a long time. I’ve worked with him several times. We get along just fine.”

Under the direction of Direk Don Michael Perez ang ‘Innamorata’, kaya naman natuwa ang veteran actress na makatrabaho ang talented director ng palabas na ito.

“We are under the helm of a really brilliant director, Direk Don Michael. Pinapaganda niya talaga [ang show],” buong paghanga niyang sinabi sa GMANetwork.com.

Pagpatuloy niya, “Nakita ko ‘yung effort na ibinibigay ni Direk. At saka lahat niyan, nagmumula sa ugali ng director, ng executive producer at ng mga lead stars.”

Laging masaya ang taping dahil magaan ang loob ng cast sa isa’t isa. 

“Makikita mo walang problema. Ang mga pasaway nga riyan, kami eh. Hindi ‘yung mga bagets, ‘yong mga tanders (laughs),” biro ng aktres.

Panoorin si Pinky Amador kasama sina Michael de Mesa, Rita Avila, Leandro Baldemor, Juan Rodrigo, Gwen Zamora, Jackie Rice, Dion Ignacio, Luis Alandy at Max Collins sa Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana only on GMA Afternoon Prime.

Para sa updates ng paborito niyong shows at mga artista, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com.

--Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.