TV

Innocent Defendant: Gumising si Julius Park na wala ang kanyang mga aalala!

By Dianne Mariano

Sa unang Linggo ng Innocent Defendant, ipinagdiwang ni Julius Park (Ji Sung)--isang prosecutor sa Seoul Central District--at ng kanyang asawa na si Lisa ang kaarawan ng kanilang anak na si Hannah. Matapos ang pagdiriwang na ito, mahimbing na natutulog si Julius katabi si Hannah.

Ngunit sa kanyang paggising, nasa loob na siya ng bilangguan at walang maalala kung paano nakarating dito. Nalaman ng dating prosecutor na siya ang suspect sa pagkamatay ng kanyang mag-ina.

Bago ang pangyayaring ito, kinwestyon ni Julius Park si Ronnie Cha (Uhm Ki-joon)--isang heredero ng Chamyoung Group--dahil sa pagkamatay ng isang babae na natagpuan sa kanyang villa.

Kinonpronta naman ni Reggie Cha (Uhm Ki-joon) ang kanyang kambal at hinikayat na sumuko na sa awtoridad. Upang makatakas sa kanyang krimen, pinatay ni Ronnie ang sarili niyang kapatid at kinuha ang identity nito.

Matapos ang pangyayaring ito, nagtungo si Ronnie sa lugar ni Sandy (Uhm Hyun-kyung). Natuklasan niya agad na hindi ito ang kanyang asawa at inilahad ni Ronnie ang kanyang totoong identity.

Nang bumisita si Julius sa ospital, malakas na ang hinala niya na si Ronnie ay nagpapanggap bilang si Reggie.

Sa autopsy, natuklasan na damaged ang mga daliri ni “Ronnie” at nang kunin ang fingerprints ni “Reggie” ay nag-match ito sa bangkay. Matapos ito, nasawi ang empleyado ng NFS at isang gang leader dahil sa isang car accident.

Si Prosecutor Norman Kang (Oh Chang-seok) ang humawak sa kaso ni Julius at binista ito sa kulungan. Ipinakita niya kay Julius ang natirang litrato ni Lisa at kinwestyon kung wala ba itong naalala sa pangyayari. Ngunit, naalala lamang ni Julius ang kaarawan ng kanyang anak.

Hindi naman akalain ni Courtney (Kwon Yu-ri) na ang kaso ni Julius Park ang kanyang hahawakan. Naalala niya ang kanilang past encounters sa korte kung saan siya ay minamaliit ng prosecutor noon.

Ipinakita din ang paghabol ni Julius kay Ronnie sa isang planta dahil mayroong arrest warrant laban sa kanya at kukuhanin ang kanyang fingerprints. Ngunit, nilagay ni Ronnie ang kanyang mga daliri sa mainit na pipe at nasugatan ito.

Sa pag-uusap ng dalawa, inamin ni Ronnie na tama ng hinala sa kanya ni Julius ngunit kailangan daw niya ito mapatunayan. Lingid naman sa kaalaman ni Ronnie na nai-record pala ni Julius ang kanyang pag-amin.

Patuloy na subaybayan ang Innocent Defendant mula Lunes hanggang Biyernes, 9:55 p.m. sa GTV.

Innocent Defendant: Putting the prosecutor in jail | Episode 1

Innocent Defendant: Prosecutor Park gets suspicious | Episode 2

Innocent Defendant: The truth behind the accident | Episode 3

Innocent Defendant: Norman tries to help Julius remember | Episode 4

Innocent Defendant: Remembering the arrogant prosecutor | Episode 5