TV

‘Hindi ko kaya na mawala si Juday’- Ryan

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kuwento ng bawat Overseas Filipino Worker ang buhay nina Jingo at Majay sa Sunday night comedy show na Ismol Family.

Isinasalarawan ng programa ang hirap at sakripisyo ng mga kababayan natin sa ibang bansa, ang sakit na mawalay sa kanilang pamilya para mabigyan lang magandang buhay ang mga taong naiwan nila dito.

Isa sa mga episode na umantig sa marami nating Kapuso televiewers ay ang eksena kung saan may sakit si Majay at tanging sa laptop lamang sila ng kanyang asawa nakapagu-usap.

Kuwento ng Eat Bulaga host at lead actor ng Ismol Family na si Ryan Agoncillo na ito ay malungkot na katotohanan ang nagaganap sa maraming pamilya dito sa Pilipinas.

Sa katunayan binabasa pa lang daw niya ang script para sa eksenang iyon ay hindi niya maiwasan maaepektuhan, dahil nakaka-relate daw siya.

Aniya “It was an episode where I think we had to deal extra with the long distance love affair between Majay and Jingo. One of the saddest parts of long distance relationship is kapag kailangan-kailangan mo ‘yung physical presence nang iyong partner and the most you could do is really just virtual reality.”

Dagdag pa niya, “I kinda felt sad too reading that script because I’m sure a lot of families can relate. There’s a time in my life I could relate and actually even times na I’m working or my wife is working and one of our kid is sick or maybe my wife is sick, mahirap more so ‘yung si Jingo at Majay, Dubai at Pilipinas ang pagitan.”

Inisip na lang daw ni Ryan ang mga instances kung saan malayo din siya sa kanyang pamilya para mapaganda daw ang episode.

“So, I really feel for the real people out there who go through it. Si Jingo at Majay ‘yun iniisip ko na lang, ‘yung mga instances na hiwalay din ako sa pamilya ko while going through that scene.”

Umamin din ang Ismol Family star na kung siya daw ang nasa sitwasyon ni Jingo at ang kanyang asawa na si Judy Ann Santos ay aalis din ng bansa para magtrabaho, hindi daw siya papayag na umalis si Juday.

Saad ni Ryan, “To be honest, as much as I could help it, no! I just don’t want to deal with that kind of problem. I know it’s a normal problem, but as much as I could help it no, [I'm] not gonna let it happen.”