TV

Kevin Santos, the Danseur

BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Funny man Kevin Santos is one heck of a comedic talent!

Sa galing niya sa pagpapatawa madali para sa Starstruck alumni na makipagsabayan sa mga cast members niya sa Ismol Family na ‘di hamak na mga beterano na sa industriya.

Kuwento ng Kapuso actor nang makapanyam siya ng GMANetwork.com sa set ng Ismol Family, malaki daw ang pasasalamat niya sa GMA-7 at sa team ng GMA Artist center para higit na mahasa pa niya ang kanyang angking talento.

Saad ni Kevin, “Wala namang sikreto, kasi ang ginawa kasi sa amin ng Artist Center, wala kaming ginawa kungdi mag-workshop, mag-workshop, mag-workshop, so hanggang na sala nang na sala and pinafeel sa amin ng bawat show na ginagawa ko na talagang komportable kami para hindi kami mahirapan umarte so ayun hanggang ngayon ganun pa rin.”

At dahil nagsimula na ang audition ng Starstruck ngayong buwan nagbigay ang comedian ng advice sa lahat ng mga applicants na sasali sa kompetisyon.

Aniya, “Simple lang naman ‘yan kailangan maging down to earth ka and kailangan mahal mo ‘yung trabaho mo hindi porket tinitilian ka na and kilala ka na dapat lumaki na ‘yung ulo mo. No! Kailangan makisama ka and kailangan pag-aralan mo kung ano ‘yung pinasok mong trabaho.”

Pinakamemorable experience nga daw ni Kevin nang sumali siya sa Starstruck ay nung makaone-on-one nila si Douglas Nierras.

Saad niya, “Pinaka memorable [experience 'yung] kay Douglas Nierras ‘yung nag-ballet [ako]. Isipin mo ang laki ko nag-ballet ako! So ‘yun ‘yung pinakamost memorable.”