TV

Carmi Martin's wish: A renaissance of comedy

BY AEDRIANNE ACAR

Hindi kumpleto ang pamilyang Ismol kung wala ang bombshell grandmother na si Mama A played by the veteran actress at seasoned comedienne Carmi Martin.

Sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com sa Ismol Family star, hindi nito maitago ang kasiyahan dahil finally after years of waiting, nabigyan siya ng comedy show na matagal na niyang inaasam-asam.

Ani ni Carmi, malaki na ang pinabago ng mukha ng telebisyon na kung dati kabi-kabila ang mga comedy program na mapapanood ng mga televiewers, ngayon kabaliktaran na at mabibilang na sa daliri ang mga ganitong klaseng project.

Saad niya, “Ako ay sobrang nagagalak kasi unang-una matagal na kasi nawalan ng mga sitcoms sa television, most especially [kasi] ako, anak talaga ako ng sitcom from Chicks to Chicks, to Abangan ang Susunod na Kabanata, Chika Chika Chicks.

Dagdag pa ng aktres, wish niya na sana dumami pa ang mga sitcoms tulad ng Ismol Family.

“Hindi natin alam, malay mo baka dumami uli ang mga sitcoms, because of Ismol Family.”

Young stars deliver

At tulad ng isang proud lola like her role in the show, puring-puri ni Carmi ang mga young stars na kasama niya sa Ismol Family na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Marc Justine Alvarez.

Impressed nga daw siya kay Miguel, lalo na sa mahusay nitong pagganap sa high rating GMA Primetime drama na Niño at hanga naman siya kay Bianca, dahil malaki ang potential nito na maging big star.

“Tuwang-tuwa ako [sa kanila]. Maumpisahan na natin kay Miguel, when I watched Niño, saludong-saludo ako dun sa bata. Grabe kasi, talagang for me siguro ang dami kong pagdadaanan para magkaroon ako ng ganung role. Sa kanya parang ang dali-dali, pagkatapos nakita ko na how he started.”

Dagdag pa niya, “siyempre as a comedian okay din siya. I’m sure marami pa siyang ilalabas."

“Kay Bianca napakagandang bata di ba? Talagang given na ‘yun, sabi nga sila raw ‘yun mga next generation [of stars].”

Enjoy din daw makatrabaho ang Facebook friend ni Mama A na si PJ (played by Marc Justine Alvarez) na kahit sa murang edad ay nakikipagsabayan sa bawat eksena.

“Wala akong masabi kundi magkalevel kami kapag natatawa at nakikita ko na itong batang ‘to may sinabi even in comedy. Nakakatuwa kasi may mga episode na nabibigyan siya ng chance, hindi naman niya nilalaglag ‘yung eksena kaya Marc ang galing mo rin.”