TV

Balesin trip ng ‘Ismol Family’

BY AEDRIANNE ACAR



Espesyal ang summer outing ng pamilyang Ismol dahil pupunta ang mag-anak sa resort island na Balesin at libre ito ni Lance! Pero bago makarating ang buong pamilya sa summer destination nila sunod-sunod na aberya ang mangyayari sa kanila.

Ang mini bus na gagamitin ng mag-anak puno ng kalawang at sirain pa. Idagdag mo pa ang driver na si Mang Puro na 'di kagalingan sa pagmamaneho.

Naku po!

Makarating kaya ang Ismol family sa Balesin o puro kunsumisyon ang aabutin nila?

Ito na yata ang longest trip ever!

Panoorin ang masaya (at medyo challenging) na trip na ito…Ang saya saya talaga!

Abangan sa linggo pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.