
Labis ang saya na naramdaman ng host na si Cianne Dominguez nang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng It's Showtime at ang second free-to-air channel ng GMA na GTV.
Matatandaan na idinaos ang grand contract signing event ng nasabing noontime show at GTV noong June 28 sa Seda Hotel Vertis North sa Quezon City.
Present sa makasaysayang pangyayari ang mga executive ng Kapuso at Kapamilya network, pati na rin ang It's Showtime hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Kim Chiu, Amy Perez, Ryan Bang, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Cianne, masaya ang host ngayong may pormal nang kasunduan ang It's Showtime at GTV.
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
“Super happy siyempre and super overwhelming din para sa akin kasi kanina ini-imagine ko, sabi ko, Hala ito na 'yon. Part ako na nandito ako. Kaya super happy talaga ako as in,” pagbabahagi niya.
Ayon kay Cianne, naging emosyonal siya dahil sa saya nang malamang magiging bagong tahanan ng It's Showtime ang GTV.
Aniya, “Noong inannounce na sa amin 'yung sa GTV, super naiiyak talaga ako, as in super happy ako. Tapos na-pray din talaga ako agad. Sabi ko, 'Thank you, [Lord] kasi hindi niyo kami pinapabayaan.' Super happy and thankful.”
Bukod dito, masaya rin si Cianne sa mainit na pagtanggap ng Kapuso sa It's Showtime.
“Super happy ako kasi parang naka-feel ako ng peace para sa lahat. Ayun nga sabi nila, the war is over. Super masaya, super saya,” saad niya.
Noong July 1, umere na ang It's Showtime sa GTV at napanood dito ang pasabog na opening number ng hosts kasama ang ilang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Pokwang, at Mark Bautista.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FUN MOMENTS NG ILANG KAPUSO STARS SA IT'S SHOWTIME NOONG JULY 1 SA GALLERY NA ITO.