TV

Ryan Bang, ibinahagi ang kanyang experience nang makapasok sa GMA building

Ikinuwento ng TV host na si Ryan Bang ang kanyang karanasan na makapasok sa loob ng GMA Network building sa recent episode ng It's Showtime.

Matatandaan na nagkaroon ng guest appearance si Ryan kasama ang kanyang kapwa It's Showtime host na si Jhong Hilario sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang Martes, August 8.

Jhong Hilario, may payo tungkol para kay Ryan Bang tungkol sa relasyon


Ayon sa Korean host, labis ang tuwa niya matapos makapasok sa loob ng building ng Kapuso network.

“Nakapasok na ako kahapon. Tuwang-tuwa ako, ang babait nila,” pagbabahagi ni Ryan.

Dagdag pa niya, “Sobrang ganda ng building ng GMA sa loob, natuwa ako.”

Tinanong naman ni Karylle kung nagpa-picture si Ryan sa display ng kanyang naging karakter sa Encantadia na si Sang'gre Alena nang pumunta ito sa GMA.

Ayon kay Ryan, nagpa-picture siya sa mannequin ng aktres, kung saan nakasuot ito ng costume sa nasabing serye.

"Nagpa-picture ako sa estatwa mo pero parang mannequin lang. Walang mata, walang ilong, walang bibig," sagot niya.

Sa katunayan, ibinahagi ni Jhong ang kanilang video ni Ryan sa Instagram, kung saan tiningnan nila ang Encantadia display ni Karylle.


It's Showtime hosts Jhong Hilario and Ryan Bang visit Karylle's Encantadia character, Alena, inside the GMA Network building. / PHOTO COURTESY: jhonghilario (IG)

Sa pagbisita ni Ryan sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi niyang ready na siya mag-settle down sa Pilipinas kasama ang kanyang “forever Filipina.”

Aniya, “Nakaipon na ako, Tito Boy. Bata pa lang, sinabi mo sa akin, 'Ryan, mag-ipon ka.' Ngayon, nakaipon na ako, Tito Boy. I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.

Panoorin ang It's Showtime at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.