TV

Ryan Bang happily announces that he has a girlfriend

By Dianne Mariano

Isang espesyal na announcement ang hatid ng television host na si Ryan Bang sa recent episode ng It's Showtime.

Ibinahagi ng Korean host sa kanyang It's Showtime family na mayroon na siyang girlfriend.

Aniya, “Siyempre, gusto kong sabihin sa aking 'It's Showtime' family, sa harap ni Mommy, Daddy, kayo kuya ko, ate ko, Tyang, may girlfriend na ako.”

Labis ang saya ng mga kapwa host ni Ryan nang malaman ito at binigyan pa siya ng group hug.

Kuwento ng seasoned comedian na si Vice Ganda, siya ang unang sinabihan ni Ryan tungkol dito.

“Ang saya-saya. Alam mo kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya sa akin, ang saya-saya niya. Sabi niya, 'Mommy, ikaw una kong sasabihan.' Tapos tinawagan ko siya, umiiyak siya,” pagbabahagi niya.

Ani naman ni Ryan, “Siyempre gusto ko ikaw unang makakaalam, Mommy. Sobra akong masaya kasi siyempre ang tagal kong naging single tapos ngayon.

“Thank you sa support niyo sa pag-ibig ko. Mahal na mahal ko kayo, Showtime [family].”

Matapos ito, sinabi naman ni Vice, “Madlang people, si Ryan Bang may jowa na. Ang tanong, ikaw kaya when?”

Panoorin ang espesyal na announcement ni Ryan Bang sa video na ito.


Matatandaan na inilahad ni Ryan sa programang Fast Talk with Boy Abunda na mayroon siyang nililigawan at handa na rin siyang mag-settle down kasama ang kanyang “forever Filipina.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.

Panoorin din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.