TV

Ryan Bang, itinuturing na answered prayer ang kanyang girlfriend

By Dianne Mariano

Masayang nagkuwento ang Korean host na si Ryan Bang tungkol sa kanyang girlfriend sa recent episode ng It's Showtime.

Related content: Jhong Hilario, may payo para kay Ryan Bang tungkol sa pag-ibig


Sa unang bahagi ng programa, tinanong ni Karylle si Ryan kung ano ginagawa nito upang maging best version ng kanyang sarili.

“'Yung mga kasabihan dito sa Pilipinas, lahat tama. Kapag masaya ang puso mo, masaya ang lahat,” ani Ryan.

Binati rin ng host-comedian sa live TV ang kanyang girlfriend na si Paola Huyong. Aniya, “Hi, happy viewing sa 'yo, mi amour.”

Matapos ito, ikinuwento ni Ryan na siya ay na-touch sa ginawa ng ina ng kanyang girlfriend nang bumisita ito sa kanilang tahanan.

“Alam mo, sobra akong na-touch kasi alam pala ng nanay ni Paola, 'yung girlfriend ko, [na] paborito ko [ang] sinigang. So noong pumunta ako sa bahay nila, nagluto 'yung Mommy ni Paola ng sinigang.

“'Yun ang pinakamasarap na sinigang na natikman ko sa buong buhay ko,” pagbabahagi niya.


Dagdag pa niya, “Ang sarap sa pakiramdaman na 'yung pinagpe-pray ko talaga dati akala ko hindi mangyayari pero talagang ginawa ni Lord na mangyari lahat. Thank you, Lord [at] thank you sa inyong lahat.”

Dahil dito, tinanong ni Amy Perez ang kanyang co-host, “So effective 'yung ipagdadasal mo talaga kung sino 'yung gusto mo maging girlfriend?”

Sagot naman ni Ryan, “Yes, effective 'yung dasal talaga. Basta tiwala lang.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.