GMA Logo Its Showtime
Image Source: Gerlyn Mariano
What's on TV

Unang episode ng 'It's Showtime' sa GMA, trending!

By Marah Ruiz
Published April 6, 2024 4:51 PM PHT
Updated April 6, 2024 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime


Top trending topic ang unang episode ng 'It's Showtime' sa GMA-7.

Isa sa highly-anticipated television moments ngayong taon ang unang pagpapalabas ng noontime variety show na It's Showtime sa GMA-7.

Ngayong araw, April 6, napanood ang first episode nito sa bago nitong tahanan. Matatandaang una nang dumating ang It's Showtime sa GMA Network sa pamamagitan ng sister channel ng GMA-7 na GTV.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso at mga Kapamilya sa historic change na ito ng programa.

Sa katunayan, pasok ang official hashtag nitong #ShowtimeSanibPwersa bilang top trending topic sa social media site na X o dating kilala bilang Twitter.

It s Showtime Trending

Pasabog ang opening nito kung saan makikita ang isa sa hosts nitong si Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda na nakaupo sa puso na bahagi ng logo ng GMA Network.

Tulad ng nabanggit ng isa sa mga hosts nitong si Anne Curtis, surreal para sa iba na mapanood ang It's Showtime sa GMA.

Bukod sa debut nito sa GMA, lalong naging bongga ang episode dahil ito ang special birthday celebration ni Vice.

Nagbigay pa siya ng isang inspiring na mensahe bilang bahagi ng kanyang opening number.

Full force naman ang mga Kapuso stars na bumisita sa It's Showtime kabilang sina Jillian Ward, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Mark Bautista, Christian Bautista, Glaiza de Castro, Chanty of Lapillus, Nadine Samonte. at Jake Vargas.

Special guests naman sa segment na "EXpecially for You" si si Michelle Dee at nanay niyang si Melanie Marquez.

Mapapanood ang It's Showtime, Monday to Saturday, 12:00 p.m. sa GMA Network.