TV

Quotes ni Vice Ganda at kuwento ng ex-couple sa 'EXpecially For You,' pinag-usapan online

By Kristine Kang

Isa na namang nakakaantig na episode ang na subaybayan ng viewers sa noontime show na It's Showtime nitong Biyernes, April 26.

Sa patok nitong segment na "EXpecially For You," naging usap-usapan ng netizens ang kuwento nina searcher Xien at ex na si Micohle.

Binahagi kasi ng dalawa ang kanilang complicated love story at mga dahilan kung bakit sila'y nagkalabuan as a couple.

Isa sa mga pinag-usapan ng online viewers ang "breadcrumbing" topic sa segment. Binanggit kasi ng ex-couple ang kanilang "situationship" noon, na-open sila sa isa't isa makipag-date sa iba. Madalas kinukuwento ni Micohle kay Xien ang mga lalaking dine-date niya. Pero kahit ganun pa man, tuloy pa rin silang nagkikita para mag-date.

Nang narinig ni Vice Ganda ang kanilang istorya, ipinaliwanag niya sa madlang viewers ang tungkol sa breadcrumbing.

"Parang it's a form of manipulation, di ba? 'Yung wala na tayo pero hindi ako papayag na mawawala ka. Pero para hindi ka mawala bibigyan pa kita pa utay-utay. Bibigyan kita ng atensyon ngayon 'tapos mamaya wala na ang atensyon ko sayo. Bibigyan kita ng time ngayon pero mamaya wala na ako time sa 'yo."

Napasabi rin si Vice sa kanilang kwentuhan, "Maraming ganyan, hindi sila papayag na mawala. Pero ayaw naman nila mag-full time, ayaw naman nila mag-commit.”

Pinag-usapan din ng netizens ang sagot ni Micohle sa tanong ni Vice kung bakit hindi na lang sila mag-let go totally sa isa't-isa.

Inamin niya, "The whole time po talaga nang nagkikita (kami) hanggang 2018, sure po ako na siya talaga ang gusto ko. Para pag nalalaman kong may kinikita siya, doon lang ako kikilala."

Ang naturang episode ay nag-trend sa X (dating Twitter), bilang hashtag #EXpeciallyForYou. Umabot rin ng 20 thousand views ang mga highlight videos ng segment sa GMA YouTube channel sa loob lamang ng isang oras.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Balikan ang isa sa mga nangyari sa "EXpecially For You" rito: