
Isa na namang mainit at FUNanghalian ang ibinigay ng noontime program na It's Showtime ngayong Martes (April 30).
Umpisa pa lang ng programa, all out ang hosts sa pagbati sa madlang Kapuso at pati na rin sa kanilang "party moment" on stage.
Marami ang natuwa kina Darren Espanto at Kim Chiu nang nakita sila na masayang tumatalon sa opening segment ng programa. May mga nag-post sa X (dating Twitter) na sinasabing ang mag-bestie ay parehong makukulit at energetic.
Pero hindi lang ang energy ni Kim ang pinag-usapan ng mga netizens, pati na rin ang kaniyang fresh at gorgeous look.
Naging usap-usapan online ang beauty ng Chinita princess na tila raw para lang siya nasa kaniyang 20s. Marami rin ang nagkomento sa kaniyang cute outfit of the day sa programa.
You don't look like your age talaga ..parang nasa 20's lang eh…Pretty 💙#InitNgGVsaShowtime #KimChiu#WhatsWrongWithSecretaryKim #LinlangTheTeleseryeVersion pic.twitter.com/u7H4PSFeq8
-- Stargaze 🇵🇭🇸🇬 (@AnnStargaze) April 30, 2024
Maliban dito, pinag-usapan din ng online viewers ang banter ni Vice Ganda kay Kim sa patok na segment na “Expecially For You.” Sa kanilang usapan tungkol sa cheaters, sinabi ni Vice, "Kahit nga ang pinakamagaganda pinagpapalit. 'Di ba Kim Chiu? May mga nalalaman kang ganyang istorya?"
Dahil biglaan, hindi nakasalita kaagad si Kim sa gulat hanggang sa dinagdag ni Vice, "Hindi 'di ba, may mga kakilala tayong like that. Si Anne Curtis nga naranasan niya. Si Anne Curtis na 'yun ah. Ako na 'to ah."
Kinaaliwan din ng fans ang kulitan ng dalawang host, kagaya ng paglaro ni Vice sa buhok ni Kim habang siya'y nagsi-spill.
Dbaaa kim chiu wahahhaa kinakabahan ako dun ah kala ko kung ano na🤣Meme namn eh gawin na namn tong issue😂#InitNgGVsaShowtime #KimChiu pic.twitter.com/yD4Y8mqSBw
-- Anastasia🥀 (@steele_ksyc) April 30, 2024
Matatandaan noong Sabado (April 27), may hinandang bigating birthday performance ang Chinita princess sa programa. Maliban dito, nag-trend din ang heartwarming greetings ng mga host para kay Kim, lalo na sa Unkabogable star.
“Susuportahan kita lagi, ipagtatanggol kita, ipaglalaban kita," sabi ni Vice.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Related gallery: Netizens react to Kim Chiu's birthday special on 'It's Showtime'