
Maraming netizens ang naloka at natawa sa It's Showtime host na si Kim Chiu sa noontime program nitong Miyerkules (July 3).
Sa patok na segment na "EXpecially For You," naging usapan ng madlang Kapuso ang epic fail joke ng Chinita Princess.
Nagbibiruan kasi ang mga host gamit ang pangalan ng isa sa searchers na si Shindoku bilang katunog na salita katulad ng "sundo ko" at "sandok ko." Naki-banter din si Kim ngunit nauwi sa epic failed ang kaniyang entry joke.
"Magluluto rin ako, andyan kasi-ay hindi pala ako magluluto," sabi ni Kim.
Pilit binawi ng Chinita host ang kaniyang palpak na joke, ngunit tila mas naging nakakahiya ang kaniyang sitwasyon.
Aniya, "Ano magluluto ako kasi gusto ko pagkain na maalat, A-Shinduko. (Teka) parang pa waley nang pawaley... pawala nang pawala."
Sa sobrang hiya ni Kim, bigla na lang ito nagsimulang mag walkout habang natatawa ang lahat sa studio.
Para raw tabunan ang nakakahiyang moment ng kanilang kaibigan, pinasayaw ni Vice ang bestie ni Kim na si Darren Espanto.
"Gagawa tayo ng paraan para makalimutan ng madlang people. Darren, kumaldag ka dali," patawang sinabi ni Vice.
Dagdag din ng comedian, "Tuwing may mawawaley na joke kailangan sumayaw ka para makalimutan ng mga tao 'yung mga waley naming joke."
Naging usap-usapan ang funny epic fail moment ni Kim sa X (dating Twitter) at pati ang pagsasayaw ni Darren para sa kaniyang bestie.
shinkduko (sando ko) or ashinduko k bye HAHAHAHA panindigan mo yan ate kimmy@prinsesachinita #KimPau #KimChiu #ShowtimeHulYoYoYo pic.twitter.com/BWg4f9K9WY
-- Mildred Gualter (@xqml_kim) July 3, 2024
Maraming viewers ang humanga rin sa ganda ni Kim sa programa nang rumampa siya sa studio na mala-beauty queen.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Related gallery: Netizens react to Kim Chiu's birthday special on 'It's Showtime'