
Isa na namang araw puno ng kulitan at tawanan sa noontime program na It's Showtime nitong Biyernes (July 12).
Sa singing competition segment na "Tawag ng Tanghalan," maraming natawa sa kulitan ng mga host, lalo na kay Lassy.
Sa kalagitnaan ng kanilang interview sa tampok na contestant na si Althea, napasabak ang kwelang host sa pag-acting na mala-fantasy.
Sumasali kasi si Althea sa mga amusement park, kung saan kailangan niyang umarte bilang prinsesa. Dahil nais makita ito ng madlang people, pina-sample ang contestant ng pag-arte na parang nasa fantasy land.
Sinundan kaagad ito ng request ni Vhong Navarro na makita si Lassy na parang prinsesa.
Nang naghahanda na ang comedian sa kaniyang performance, biglang napasabi si Vhong, "I-lock n'yo na 'yung pinto! Isarado mo na!"
"Hoy! Princess ako," sabat ni Lassy.
Sa kaniyang acting, umikot na masaya ang It's Showtime host at tumakbo na feeling "magandang babae." Pero nagtawanan ang lahat nang biglang ginaya niya ang karakter na si Gollum sa Lord of the Rings.
"My precious," sinabi ni Lassy habang lumaki ang kaniyang mga mata.
"Bakit naging si Gollum?" tanong ni Vhong habang tumatawa.
"Bakit mo tinatakot 'yung bata?" biro naman ni Kim Chiu.
Nag-request pa ng Chinita Princess na magkasama sina Althea at Lassy na mag-acting on stage.
"Dapat acting kayo, si princess at si my precious," sabi ni Kim.
Maraming natawa nang biglang nag-on character si Lassy habang hinabol pa niya si Althea na parang halimaw.
"Ang galing ah! Natural na natural ang akting mo!" biro ni Vhong.
"Natural 'yung apat 'yung paa niya noh? Parang lagi niyang ginagawa," banat ni Kim.
Muling natawa ang madlang Kapuso nang sinabi ni Lassy, "Actually, ganyan kami sa family."
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, balikan ang highlights ng “Tawag ng Tanghalan Kids” Season 2 grand finale sa gallery na ito: