GMA Logo Vice Ganda
Source: It’s Showtime & GMA Network
What's on TV

Vice Ganda, naalala ang lalaking nag-take advantage sa kaniya noon

By Aedrianne Acar
Published July 15, 2024 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala rules SEA Games women’s tennis; Gilas teams reach gold medal round
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


“Sakit nun, ilang beses kaya ako gumising dating ganiyan. Parang, gusto lang pala mag-artista..”- Meme Vice

Napa-throwbak ang Unkabogable star na si Vice Ganda habang nakikinig sa Expecial couple na sina Runa at Cliff sa episode ng It's Showtime ngayong Lunes, July 15.

Tumagal ng 11 years ang pagsasama ng searcher na si Runa at ang ex-boyfriend niya na si Cliff.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Meme Vice sa dalawa, natanong niya si Cliff, “Kaya mo ba siya inask maging jowa kayo dahil in love ka na rin o gusto mo mag-take advantage dun sa gusto ka niya?

Dagdag ng Kapamilya comedienne, “Di ba may mga taong wala naman ako nararamdaman, pero feeling ko dahil patay na patay siya sa akin, I can take advantage of this person, 'di ba.

Sagot ni Cliff, “Nung una po inaamin ko po yun [tinake advantage ko siya]. Then katagalan din po na-develop din po 'yung pag-love ko sa kaniya.”

“Bakit ganun? Bakit naisip mong mag-take advantage sa kaniya, ginagawa mo ba 'yun sa iba?” balik na tanong ng It's Showtime host.

Paliwanag ng ex ni Runa, “Ano po, at that time po kasi galing po ako sa broken heart po. Then, wala na po ako masyadong focus sa paggi-girlfriend po. Then, bigla po siya dumating, then, sinubukan ko po ulit na magmahal.

'Pero at that time kasi nalaman ko na may crush siya sa akin.”

Sabat naman ni Vice, “Parang matagal ka rin nag-aantay na muling magmahal? At makaramdam ng relasyon. Kaya nung nakakita ka ng opportunity, Ay! I-try ko nga.'”

Sumagot naman si Cliff ng "oo" sa sinabi ng Unkabogable star.

Dito naalala ni Vice Ganda ang kaniyang experience na may nag-take advantage sa kaniya noon.

Lahad niya sa It's Showtime, “Buti na lang na-in love ka at naging kayo, kasi ang sakit naman nun kung isang araw gigising siya at mare-realize niya na ang pure ng intention ko sa kaniya, ang intensyon ko ay mahalin ko siya. Pero ang intensyon niya pala sa akin is to take advantage of me, my love for him! Sakit nun ah. ”

Pagpapatuloy niya, “Sakit nun, ilang beses kaya ako gumising dating ganiyan. Parang, gusto lang pala mag-artista nitong lalaking 'to [laughs]. Oo… gusto lang pala ng bagong cellphone, buwisit 'yung ganun.”

RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES