GMA Logo Amy Perez
What's on TV

Amy Perez, naging emosyonal tungkol sa pagiging isang ina

By Kristine Kang
Published August 16, 2024 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Amy Perez


Alamin ang dahilan kung bakit napaluha si Amy Perez sa “EXpecially For You.”

Hindi napigilang maging emosyonal ng It's Showtime host na si Amy Perez sa naging tampok na usapan sa segment na "EXpecially For You" nitong Biyernes (August 16).

Naging relatable kasi ang kanilang pinag-usapan tungkol sa mga ina na may mga malalaki nang anak na nais bumukod sa kanila.

"Malungkot isipin, eh. Pero hindi mo siya makokontrol, 'di ba?" sabi ni Vice Ganda.

Dagdag din niya, "'Yung anak mo parang nakita mo, 'Ay 'yung ibon kong anak lumilipad na.' Pero pagtingin mo, isa ka na lang doon sa pugad."

Alam na alam daw ni Tiyang Amy ang pakiramdam nito bilang isang ina na may mga malalaking anak.

Para sa kanya, pinakamalaking sakripisyo ng mga magulang ang hayaan ang kanilang anak mabuhay mag-isa. Ngunit dahil mahal din nila sila, handa rin ang mga magulang na tumulong o gabayan ang kanilang mga anak kung kinakailangan.

"Iyon yung greatest sacrifice ng mga magulang. 'Yung i-let go 'yung anak, hayaan na lumipad, mag-grow. Pero kung magkamali man nandoon pa rin ang magulang. Nandoon pa rin ang nanay. Ready to accept and give you know, advice," sabi niya.

Naalala pa raw ni Tiyang Amy kung gaano kahirap tanggapin ang desisyon ng kanyang panganay na anak na si Adi Perez na tumira muna sa boarding house, kung saan malapit ang kanyang eskwelahan.

Aniya, "Drum-drum ang iniyakan noon, 'di ba? Parang lahat ng tanong niya, lahat pilit mong binibigyan ng sagot. 'Hindi anak 'di ba dito mas okay? 'Di ba dapat ganito, ganiyan?' Pero at one point bilang isang nanay, parang it was the hardest thing to accept na i-let go mo siya."

Pero noong mas lumaki na ang kanyang anak, natuto si Amy na tanggapin na lang ito at pahalagahan ang oras na binibigay ng kanyang mga anak sa kanya. Dito niya rin napansin ang mga magagandang asal na napulot nila sa kaniya.

"(And) ngayon kapag nakikita ko, I'm very proud na nakikita ko siya na 'yung mga dati palang binubunganga ko na 'dapat ganito, dapat ganito ginagawa mo' maayos siya. Okay siya at namumuhay siya ng tama nang hindi siya nakakaabala ng ibang tao and regular pa kaming nagkikita," paliwanag niya.

Habang ikinukuwento ito ni Tiyang Amy, hindi niya napigilang maging emosyonal at pinunasan kaagad ang kanyang mga luha.

Para gumaan muli ang vibes ng studio, nagbiro kaagad ang host, "Bakit ako ang umiiyak? Dapat si mommy Rosana (tampok na searcher)."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang kuwento ni Amy Perez sa video na ito: