What's on TV

'Kalokalike' ni Ariana Grande, hinangaan ng 'It's Showtime' hosts at viewers

By Kristine Kang
Published September 11, 2024 5:33 PM PHT
Updated September 11, 2024 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

kalokalike ariana grande on its showtime


Kuhang-kuha ng impersonator na si Dane ang American singer-songwriter na si Ariana Grande.

"Siya iyon! Siya nga iyan!"

Ito ang ang paulit-ulit na puri nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu, at Darren Espanto sa isang contestant sa "Kalokalike Face 4" nitong Miyerkules. Setyembre 11)

Ang impersonator mula sa Makati City na si Dane ay tila kaboses at medyo hawig raw ng kaniyang ginagayang artista na si Ariana Grande. Mula sa umpisa ng kaniyang performance, pinahanga na niya ang madlang Kapuso sa kanyang talento sa pagkanta ng awitin ng original pop singer na "One Last Time."

Naaliw din ang mga netizens sa paggaya niya sa pagsasalita ni Ariana, na pa-cute at mahinahon ang boses. Straight na Ingles pa ang gamit ni Dane, na para talagang katunog ng Amerikana.

"Are you feeling jet lag right now?" tanong ni Darren, kunwari kausap talaga ang pop artist.

"Not quite, but I'm fine. Thank you, next," sagot ni Dane.

Nakipagkulitan din ang impersonator sa mga host nang ipinamalas niya ang iba't ibang reaksyon gamit ang iconic na boses ni Ariana. Ngunit dahil medyo katunog ang lahat ng kaniyang ginawang reaksyon, pinagtripan siya ng It's Showtime family.

"Parehas lang," komento nila.

"Para lang nakakita ng bagong pusa na rinegalo ng nanay niya," biro ni Vice.

Pinahanga ulit ni Dane ang madlang Kapuso nang kinanta niya ang "we can't be friends (wait for your love)". Dalawang beses pa itong pinaulit ni Vicedahil sa kaaliwan nila na kaboses niya ang original singer.

"My God you sing so well!" pinuri ni Vice.

"You're so good! It's sounds like you don't have any jet lag," dagdag ni Kim, kunwari na galing sa USA si Ariana.

Sa huli, nanalo si Dane sa kompetisyon na may tatlong Kalokalike scores mula sa mga hurado at maraming Kalokalike votes mula sa madlang audience.

Umabot din ang kaniyang performance online, kung saan pinag-usapan at pinuri ito ng mga netizens. Naging isa ito sa mga viral topic sa trending na hashtag na #ShowtimeNostalgic sa X (dating Twitter).

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Balikan ang mga naging trending na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: