
Nakisaya ang multi-national girl group na KATSEYE sa noontime variety show na It's Showtime ngayong Miyerkules, September 18.
Isang pangmalakasang performance ang hatid ng six-member girl group, na binubuo nina Sophia, Manon, Daniela, Lara, Megan, at Yoonchae, nang i-perform nila ang kanilang viral track na “Touch.”
Matapos ito ay isa-isang masayang binati ng bawat miyembro ng naturang girl group ang Madlang People.
Tinanong naman ni Kim Chiu ang isang Pinay member ng grupo na si Sophia kung paano nabuo ang KATSEYE at kung paano siya naging bahagi nito.
“We were formed through a survival program called Dream Academy pero meron kaming documentary sa Netflix ngayon called Pop Star Academy: KATSEYE. You can watch it now. You'll see our whole journey there. How we were formed, how we all auditioned, how our whole training process went,” pagbabahagi niya.
Present din sa audience ang supportive parents ni Sophia, ang Filipina actress Carla Guevarra at Chef Godfrey Laforteza.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
KILALANIN ANG KATSEYE SA GALLERY NA ITO: