
Malakas na hiyawan at tawanan ang sumalubong kay Jhong Hilario mula sa Rizal na si Ernesto sa "Kalokalike Face 4" nitong Biyernes, September 20.
Maliban sa kanyang damit at medyo pagkahawig sa host, pinahanga niya rin ang lahat sa kanyang nakakaaliw na dance moves. Sa simula pa lang ng kanyang pagtanghal, sinabayan pa siya ni Jhong sa stage. Patuloy humataw din si Ernesto at nagpakitang-gilas sa mga dance stunt, tulad ng pag-tumbling.
"Magaling tumutumbling," pinuri ni Jhong.
"At saka parang magka-height din ng konti, ah," sabi ni Vhong Navarro.
Biniro pa ni Bela Padilla na ang orihinal na Jhong ang impersonator at si Ernesto ang totoong Jhong.
"Kuys Jhong, ano masasabi mo sa contestant natin?" birong tanong ni Bela kay Ernesto.
Sinakyan naman ng impersonator ang trip ni Bela, "Magaling! Magaling siya."
"Matagal mo na bang iniidolo si Jhong?" hirit ni Vhong.
Sagot naman ni Jhong, "Opo, matagal na. Actually noong bata pa lang po ako, talagang ginagaya ko na po siya."
Tila naghiganti naman ang It's Showtime host kay Ernesto nang sinabak pa niya ito sa pag-acting. "Magaling nga mag-tumbling at saka ang galing kaya niya ano umakting din," hamon ni Jhong kay Ernesto.
Nang ginaya ni Ernesto ang kontrabida acting ni Jhong, natawa na lang ang mga host.
"Galing mo, idol ko talaga iyan, e," biro ni Jhong.
Mas lumakas ang halakhak ng madlang Kapuso nang sinagot ni Ernesto ang mga katanungan ng It's Showtime hosts on character.
"Ano'ng pangalan ng tatay mo?" tanong ni Jhong.
"Ano po Virgilio [Sr.]," sagot ni Ernesto.
"Loko ka. Tatay ko rin iyon a," tawang sinabi ni Jhong.
Mas naloka pa ang madlang Kapuso nang biglang binanggit ni Ernesto ang tunay na pangalan ng kanyang nanay.
"Ay, sandali. Magka-iba tayo ng nanay.[Tapos] iisang tatay," patawang sinabi ni Jhong.
Sa kasamaang palad, hindi nagwagi si Ernesto sa laban dahil sa isang KALOKA score mula sa hurado. Ang nanalo ay ang Super Tekla ng Zamboanga Del Norte na si Vincent.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, balikan ang nag-trend na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: