What's on TV

'It's Showtime' Kalokalike ni Angel Locsin, pinag-usapan online

By Kristine Kang
Published October 15, 2024 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics urged to be ‘sign of God's presence’ at Christmas Eve Mass
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Locsin Kalokalike impersonator


Tanong ng madlang people: "Si Angel Locsin o si Nora Aunor?"

Isa na namang contestant sa patok na segment ng It's Showtime na "Kalokalike Face 4" ang pinag-usapan ng netizens online.

Mula sa Facebook, TikTok, hanggang sa X, hindi mapigilang i-share ng madlang Kapuso ang mga video at larawan ng Angel Locsin impersonator na si Julia Belo.

Ngunit ang kasikatan ni Julia ay hindi dahil kawangis niya ang aktres. Maraming netizens ang nagsasabi na malayo ang kaniyang hitsura kay Angel Locsin, at mas kahawig niya ang ibang mga personalidad.

Noong October 10, sumali ang pinag-usapan na contestant mula sa Batangas. Todo ang kaniyang pagganap bilang Angel nang pumasok ito sa It's Showtime stage. Nagbigay din siya ng kasiyahan sa mga manonood nang nakisabay siya sa mga banter ng mga host.

Sa kanilang kulitan, natawa ang madlang people nang may mapansin si Vice Ganda.

"Tinititigan ko siyang ganoon, may Angel Locsin ang mata niya. Pero may Ate Guy din ng konti," biro ni Vice. "May nakikita akong Ate Guy pag close-up, super close-up."

Lalong lumakas ang tawanan nang hinalo ni Vice ang karakter ni Darna sa karakter ni Elsa, mula sa pelikulang Himala ni Nora Aunor.

"Di ba kasi kanina, 'Ding ang bato!' Tapos nilunok niya, 'Walang himala!'. Oo nagsama na si Darna at tsaka si Elsa," dagdag ng Unkabogable Star.

Tuloy pa rin ang kulitan sa studio nang basahin ni Rufa Mae Quinto ang mga komento ng netizens tungkol sa impersonator.

May mga nagbiro na siya ay "Angel na bumagsak sa lupa" o kaya "Angel Burger." Nilinaw naman ni Rufa na ang mga komento ay mula lamang sa netizens at hindi ito nakakaapekto sa kaniyang paghusga.

"Pero iyon lang ang masasabi ko, ang mga nasabi nila so bahala na ako sa sarili ko sa pag- judge, okay? But at least you know you went here, you came, okay bye bye," patawang sinabi ni Rufa.

Sa huli, ang nanalo sa kompetisyon ay ang LA Tenorio impersonator mula sa Bohol at ang Kiko Matos ng Bulacan.

Sa kabila ng mga komento tungkol kay Julia, may ilang netizens na nagsaliksik sa kaniyang mga dating clip online at namangha sa pagkahawig niya talaga kay Angel Locsin.

@qwertyjuliaaa Ginawa syang katatawanan pero 13 years ago she really is Angel Locsin sa mga pageant. ❤️ Bello Ann Francisco #kalokalikeface4 #kalokalike #AngelLocsin #itsshowtime ♬ original sound - Chrisbrownedit_

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAG-TREND NA "KALOKALIKE FACE 4" CONTESTANTS SA GALLERY NA ITO: