GMA Logo Gladys Reyes and Janice Reyes
What's on TV

Gladys Reyes, may Kalokalike sa madlang audience?

By Kristine Kang
Published October 16, 2024 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes and Janice Reyes


Sino kaya itong Kalokalike ni Gladys Reyes sa madlang audience? Alamin dito.

Tila nagsisilabasan na ang mga Kalokalike ng mga artista sa It's Showtime studio. Mapa-host man o hurado, walang sinuman ang makakatakas sa pagkilala sa kanilang kamukha.
link:

Noong Martes (October 15), may napansin ang mga host sa madlang audience na kahawig ng tampok na hurado na si Gladys Reyes. Nang pinatawag ito upang husgahan ang impersonator sa araw na iyon, naaliw ang mga host sa pagkakahawig at pagkaboses niya kay Gladys.

"Kaboses din (at) kamukha niya si Gladys, no? Kaboses niya din. Sis parang may kalokalike ka sis," sabi ni Vice.

Napangiti ang kahawig ni Gladys at masayang humirit, "Lalayo pa ba tayo eh di si Gladys Reyes (ang aking kalokalike)."

Natawa naman ang tampok na hurado at tila may nais ipaliwanag sa It's Showtime family. Ngunit naputol ang kanilang pag-uusap nang nagkamali ang camera director sa pag-frame na ipinakita ang sapatos ng kanilang staff sa telebisyon. Ang focus ng mga host ay napunta rito at umakyat pa mismo sa kuwarto ng direktor.

Balikan ang nakakatawang moment ng programa rito:


Pagkatapos maimbestigahan ng mga host ang random shot ng direktor, bumalik sa stage ang lahat. Bago pa nila matuloy ang programa, nagsalita muli ang kalokalike ni Gladys.

"That camera shot stole my thunder," pabirong mataray na sinabi nito. "Minsan lang mag-moment sa It's Showtime, nawala pa dahil sa sapatos."

Nang binanggit muli ang pagkahawig niya sa aktres, may inamin ito sa lahat.

"Kasi kapatid ko siya," bunyag niya.

Nagulat ang mga host at madlang audience sa hindi inaasahang twist. Ang nasa madlang audience ay walang iba kung hindi ang kababatang kapatid pala ng aktres na si Janice Reyes.

"Kaya pala pati boses!" reaksyon ni Bela Padilla.

"Akala ko alam mo kaya sinabi mong Gladys?" tawang tanong ni Gladys.

Mas lumakas ang tawanan ng madlang Kapuso nang biniro pa ni Janice, "Pero napagkamalan akong mas matanda sa kanya. Mas bata talaga ako kasi nag-call center ako noong 12 years, napuyat ako."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang mga naging trending na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: