
Bago ang matinding puksaan na mangyayari sa "Magpasikat" na magsisimula na sa Lunes, October 21, may pakiusap ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa kanilang fans.
Sa hit game show nila na 'Showing Bulilit' ngayong Huwebes (October 17), humingi ng dasal si Meme Vice sa Madlang Kapuso na ipagdasal silang lahat na magpe-perform.
Sabi ng Unkabogable Star, “Pray for all the team, masyadong kina-career ng mga baklang 'to, kung ano-ano tuloy ang nangyayari sa rehearsal.
“Please pray for our safety, for our wellness, for our health, for our protection, so that come Monday and the entire week, next week we will be able to give you the best show ever.”
Source: It's Showtime and GMA-7
Unang magpe-perform sa Magpasikat ang Team nina Vice, Karylle, at si Ryan Bang.
Pagdating ng October 22, sasabak naman ang grupo nina Ogie Alcasid, MC, Lassy, at Kim Chiu. Susundan sila sa susunod na araw nina Vhong Navarro, Amy Perez, Darren Espanto, at Ion Perez.
Sa Huwebes, magpapasiklab naman sa 'Magpasikat 2024' sina Anne Curtis, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz. Finale naman next week sina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez.
Noong 2023, ang trio nina Jhong Hilario, Kim Chiu, and Ion Perez at itinanghal na Magpasikat 2023 grand champion.