GMA Logo Vice Ganda, Ion Perez
What's on TV

Vice Ganda, kinabahan sa 'Magpasikat' performance ni Ion Perez?

By Dianne Mariano
Published October 23, 2024 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, Ion Perez


Very proud ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa ipinamalas na talento ng kanyang asawang si Ion Perez sa 'Magpasikat 2024.'

Napanood ngayong Miyerkules (October 23) ang pasabog na performance ng Team VIDA, o Vhong, Ion, Darren, Amy, sa “Magpasikat 2024” ng It's Showtime.

Ipinakita ng nasabing team ang kani-kanilang mga talento at ipinahayag ang mensahe tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya.

Matapos ang kanilang performance, sinabi ni Vice Ganda na kinabahan siya sa performance ng Team VIDA.

“Congratulations. Grabe nung pinapanood ko kayo, sobra 'yung kaba ko at takot ko kasi… baka manalo kayo,” hirit ng komedyante.

Tinanong din ng hosts ang Unkabogable Star kung ano ang masasabi nito sa ipinakita ng kanyang asawang si Ion Perez. Matatandaan na isang buwis-buhay performance ang hatid ni Ion nang gumamit siya ng moving panel sa ere.

Dito ay sinabi ng hosts na napansin nilang kinakabahan si Vice Ganda habang nagpe-perform si Ion.

“Siyempre nakakatakot 'di ba and I'm just very proud of him because he has worked so hard for this. Kasi hindi naman talaga siya performer e pero ibinibigay niya 'yung makakayanan niya para makapag-contribute sa grupong ito. At lahat ng kaya mong ibigay at ang ibinibigay mo, nakikita namin 'yon ng mga nagmamahal sa 'yo. Sapat 'yon, na-appreciate namin, at ikinamamahal namin sa 'yo,” anang actress-host.

Nagpasalamat naman ang kagrupo ni Ion na si Vhong Navarro dahil hindi ito sumuko.

Aniya, “Sa totoo lang, nagpalit ng act si Ion, dapat hindi 'yan ang gagawin niya. Kaya lang, sabi niya, hindi kaya sa ngayon kasi mahihilo siya sa gagawin niya. So gumawa tayo ng paraan para.. At least napaganda e, mas maganda nga actually. Salamat tol dahil hindi ka sumuko. Akala ko ba-backout na e pero salamat tinuloy mo 'yung laban. Ibig sabihin, gusto mo talagang Magpasikat para sa 15th year natin.”

Samantala, humanga ang mga hurado kay Ion at sinabi pa ni Direk Rory Quintos na nakitaan niya ang una ng potensyal bilang aktor.

“Ion, what a surprise. Ngayon lang kasi kita nakita and, of course, you're very fit so you were able to do all those moves. But what really surprised me, aside from here, you should explore acting, seriously. I know you're already acting and taking on roles pero kino-close up ka kasi dito e. So nako-close up 'yung mga mata mo, kargadong kargado. Sabi ko, 'Ah, meron.' Ang batang ito, meron,” anang direktor.

Dagdag pa niya, “If I'm looking for a new guy and If I make a comeback, ika-cast talaga kita. May karga kasi 'yung mga mata e. So I think that if you seriously explore acting, you will do very well.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.