GMA Logo Darren Espanto and Amy Perez
Source: darrenespanto (IG) & amypcastillo (IG)
What's on TV

Darren Espanto, saludo sa commitment ni Amy Perez para sa kanilang 'Magpasikat' performance

Published October 24, 2024 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Darren Espanto and Amy Perez


Bukod sa heartthrob singer na si Darren Espanto, nagtamo rin ng injury si Amy Perez habang nagre-rehearse para sa “Magpasikat 2024.”

Bilib na bilib ang OPM heartthrob na si Darren Espanto sa teammate niya sa V.I.D.A. na si Amy Perez.

Kahapon, pinukaw ng Team V.I.D.A., na binubuo nina Vhong Navarro, Ion Perez, Darren, at Amy, ang Madlang Kapuso sa nakakaantig nilang pagtatangal sa “Magpasikat 2024,” na special showcase ng It's Showtime para sa kanilang 15th anniversary.

Nabanggit ni Darren matapos ang kanilang performance na kinailangan pang magpa-CT scan ni Tiyang Amy matapos magtamo ng injury sa ulo during rehearsals.

Post ng singer-actor sa Instagram Story, “We did it, TIYANG! I salute for your commitment and dedication to our team.”

Samantala, ipinaliwanag naman ni Amy ang mensahe na gusto nila iparating gamit ang kanilang “Magpasikat” performance.

Paliwanag niya “I'm so proud sa team namin kasi maganda 'yung gusto namin din iparating na mensahe sa mga magulang na alam natin balot na balot tayo lagi ng problema, pag-aalala, responsibilidad natin sa mga anak natin 'di ba.”

“Minsan nakakalimutan natin makita na meron pala tayong anak na nagsasakripisyo rin gaya natin. Minsan, hindi natin nakikita 'yun. Siguro ito magandang paalala na ma-appreciate rin natin na at yung magulang din na meron talagang anak na kayang magsakirpisyo para sa buong pamilya.”

Muling panoorin ang Team V.I.D.A. performance sa It's Showtime 15th anniversary nitong October 23:

RELATED CONTENT: It's Showtime: Here are the teams for 'Magpasikat 2024'