
"Avisala!"
Ito ang bati ng Sunshine Dizon ng Bacoor City, Cavite na si Pamela sa noontime program na It's Showtime, nitong Huwebes (October 31).
Sa pagsali niya sa patok na segment na "Kalokalike Face 4," marami ang naaliw sa kanyang energy at good vibes on stage.
Game na game din siyang umarte na parang si Sunshine at bumati pa kay Karylle na parang ang aktres mismo. Sumayaw rin siya kasama si Darren Espanto ng iconic dance move na "kaldag."
Sa kanilang kuwentuhan, nagbigay din ng payo si Pamela sa Asia's Pop Heartthrob at sa young artists. "Advice ko kay Darren ngayon, talagang ituloy na lang kung anong ginagawa niya. Always keep your feet on the ground," sabi ng contestant.
Sunod naman niyang pinayuhan ang Chinita Princess na si Kim Chiu. Ngunit pinilit ng mga host na love life advice ang ibigay nitosa kanya. "Love yourself first kasi 'pag minahal mo talaga 'yung sarili mo, everything will follow," masayang sinabi ng impersonator.
Sa gitna ng kanilang katuwaan, biniro ng mga host ang Kalokalike contestant na subukan niyang hulaan si Vice Ganda. Habang natatawa ang lahat, game na game namang sumakay si Pamela sa kanilang hiling. Sinabi niya kay Vice, "Well sa future mo ngayon Meme, kita ko na mas dadami pa 'yung movies na gagawin mo."
"Actually, wag na tayo lumayo. Sa It's Showtime pa lang nakikita ko na mas tatagal pa ito ng dekada dekada," dagdag niya.
Ngunit sa huli ng kanilang face-off, ang nagwagi ay ang Heart Evangelista impersonator mula sa Rizal na si MJ.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, balikan ang mga naging trending at nagwagi na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: