GMA Logo ABS-CBN statement on Its Showtime
What's on TV

ABS-CBN expresses gratitude to GMA-7 for continuous trust and support for 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published December 20, 2024 8:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

ABS-CBN statement on Its Showtime


Basahin ang buong pahayag ng ABS-CBN tungkol sa pag-ere ng 'It's Showtime' sa GMA sa 2025.

Labis ang pasasalamat ng ABS-CBN sa GMA Network dahil sa patuloy na pagtitiwala at suporta nito sa programang It's Showtime.

Naglabas ng pahayag ang Kapamilya network sa kanilang social media accounts tungkol sa pag-ere ng noontime variety show sa GMA sa 2025.

“Masaya ang ABS-CBN na ibalita na magpapatuloy ang It's Showtime sa pag-ere tuwing tanghali sa GMA mula Lunes hanggang Sabado.

“Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN at ang pamilya ng It's Showtime sa GMA para sa kanilang patuloy na tiwala at suporta.

“Patuloy kaming maghahatid ng inspirasyon at saya sa aming mga manonood.

“Maraming salamat, mga Kapuso, mga Kapamilya, at Madlang People,” saad sa nasabing statement.

PHOTO COURTESY: ABS-CBN


Kinumpirma ng GMA Corporate Communications sa GMANetwork.com na magpapatuloy ang pag-ere ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso Network sa 2025.

Noong March, naganap ang historic contract signing sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN para sa pag-ere ng It's Showtime sa GMA.

Umere naman ang pilot episode ng noontime show noong April 6 at nakisaya pa rito ang ilang Kapuso at Sparkle stars. Mula noon, iba't ibang Kapuso artists na ang napanood sa nasabing programa.

Nitong Oktubre, ipinagdiwang ng It's Showtime ang kanilang 15th anniversary sa unang pagkakataon sa GMA at naganap ang week-long “Magpasikat 2024.”

Related Content: 'It's Showtime' family, lubos ang pasasalamat sa 15th anniversary ng programa