
Puno ng good vibes at energy ang sinalubong ng fun noontime program na It's Showtime ngayong Bagong Taon!
Game na game nag-party ang madlang Kapuso kasama ang mga host ng programa na sina Kim Chiu, Ryan Bang, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Darren Espanto, at iba pang It's Showtime family.
Mas dumagdag ang energy ng selebrasyon nang naghandog ng kilig at pasabog na performance ang Kapuso love team na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa.
Suot ang kanilang matching red Gen Z outfits, nagpakita ng gilas sa dance floor ang duo. Very cutesy at K-pop ang ipinamalas ni Ashley habang sinasayaw niya ang iconic song ng KATSEYE na "Debut."
Swag at fun vibes naman ang handog ni Marco sa dance floor nang sinayaw niya ang Filipino remix ng "Teach Me How to Dougie."
Super kilig at trendy naman ang performance ng duo sa huli kasama ang Baby Dolls ng It's Showtime.
"Grabe itong si Marco at Ashley, bata pa lang sila kilala na natin sila 'di ba? Ang lalaki nila ngayon!" bati ni Darren sa kanila.
Marami raw dapat abangan sa kanilang love team ngayong 2025, lalo na't babalik ang pinusuang GMA teen show na MAKA sa bagong season nito. Bibida rin ang AshCo love team sa upcoming horror movie na Caretakers kasama sina Iza Calzado at Dimples Romana.
Meron din dapat abangan ang kanilang fans dahil magkakaroon ng isang engrandeng selebrasyon ngayong buwan.
"Hindi n'yo po naitatanong, meron pong magde-debut ngayong [January 2025]," masayang sinabi ni Marco habang nakatingin kay Ashley.
Sa usapang New Year, game na game nakipagkulitan ang Kapuso love team kasama ang It's Showtime hosts.
Sa tanong ano ginawa nila kaninang madaling araw, nagbiro si Ashley na "Nag-Chinese garter po ako para tumangkad pa po lalo."
Dagdag naman ni Marco, "Hindi ko po ito itatago pero tumalon din po talaga ako para tumangkad pa ako. Height talaga gusto ko ngayong 2025."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at iba pang Kapuso platforms.
Balikan ang New Year celebration ng programa, dito: