GMA Logo Ashley Sarmiento at Marco Masa
Screenshot from GMA Public Affairs
What's on TV

Ashley Sarmiento at Marco Masa, nagpakilig sa recording ng 'MAKA' OST 'Puwede ba?'

By Aimee Anoc
Published November 8, 2024 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento at Marco Masa


"Puwede bang mahalin kita nang higit pa sa kaibigan?" Pakinggan ang nakakakilig na recording nina Ashley Sarmiento at Marco Masa ng MAKA OST na "Puwede ba?" dito.

Inilabas na ng Sparkle love team na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa ang kanilang nakakakilig na recording ng isa sa original soundtracks ng MAKA na "Puwede ba?"

Maraming fans ang agad na kinilig sa kanta nilang ito na tungkol sa magkaibigan na hindi masabi ang tunay na nararamdaman para sa isa't isa.

Talaga namang bagay na bagay ang kantang ito sa kanilang love story sa MAKA, kung saan may lihim na pagtingin si Ashley para kay Marco.

Ang "Puwede ba?" ay likha ni Simon Peter Tan under GMA Post Music Production.

Ilan sa komentong natanggap nina Ashley at Marco sa "Puwede ba?" ay "true to life 'yung lyrics sa inyo AshCo" at "literal na pwede bang mahalin kita nang higit pa sa kaibigan."

Sabi pa ng isang netizen, "Anong sagot sa TANONG na PUWEDE BA? @AshleySarmiento @MarcoMasa?"

Patuloy na subaybayan ang nakakakilig na love story nina Ashley at Marco sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

MAS KILALANIN SI ASHLEY SARMIENTO SA GALLERY NA ITO: