GMA Logo Adie with EA Guzman and Jeric Gonzales
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Adie, pinagkaguluhan sa 'It's Showtime'

By Kristine Kang
Published February 12, 2025 7:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Adie with EA Guzman and Jeric Gonzales


Maraming madlang people ang kinilig sa special performance ni Adie!

Isa na namang araw puno ng excitement at kilig sa musical segment ng It's Showtime na "Hide and Sing."

Noong Miyerkules (February 12), ang mga nakihula sa fun noontime show ay ang talented Kapuso actors na sina EA Guzman at Jeric Gonzales.

Pagpasok pa lang ng dalawa sa studio, marami na ang kinilig na madlang Kapuso dahil sa kasiyahang makita sa personal ang dalawang hunks.

Sa unang round naman, malakas na kaagad ang kutob ni EA kung sino sa tatlong tampok na performers ang totoong Filipino artist.

"Si number one parang 'yung postura niya and the way na tumayo sa stage, parang maala Arthur Nery?" hula ni EA.

Kuwento pa ng Kapuso star na palagi raw pinapakinggan niya ang mga kanta ni Arthur, kaya sigurado siya na ito ang nasa likod ng mask.

Nasundan naman ito ni Jeric sa second round, kung saan nakita niya rin kung gaano kapropesyonal daw tingnan ang TagoKanta singer.

"Ang gagaling nilang lahat, e. ang hirap mamili talaga. Pero one, naniniwala ako kay EA na one," sabi ni Jeric.

"Final, kasi kulot, the way na falsetto tapusin 'yung kanta, Arthur Neri 'yan," dagdag ni EA.

Hindi nagtagal at unti-unting ibinunyag kung sino ang mga TagoKanta of the day. Tama ang piniling singer nina EA at Jeric. Ngunit ang nasa likod ng maskara at hood ay walang iba kung hindi si Adie!

"So EA and Jeric, ano'ng gusto mo sabihin kay Arthur Nery na paboritong-paborito n'yo na lagi n'yo pinakikinggan?" biro ni Vice sa dalawa.

"Arthur Nery, idol ka pa rin namin!" sabi ng dalawang Kapuso stars.

"Ano'ng gusto mo sabihin kay Adie?" patawang tanong ulit ng comedian.

"Idol din namin iyan," hirit ni Jeric.

"Thank you," bati ni Adie.

Naging espesyal ang performance ni Adie sa It's Showtime studio, lalo na para sa kanyang fans.

Ang mga madlang audience, hindi napigilang tumili at lumapit pa mismo sa stage para makita ng malapitan ang kanilang paboritong singer.

Sweet naman si Adie sa kanyang fans at nakipag-holding hands, yakap, at pa-picture pa sa kanila. Masaya rin lumapit mismo sa audience si Adie kung saan hinarana niya ang mga ilan pang madlang people.

Sa sobrang kilig ng iba, mahiyang bumati rin sila sa kanilang iniidolong artist.

Ang performance ni Adie ay nag-trend pa mismo sa social media, lalo na sa X (dating Twitter). May ilang nagkomento na naging fan meeting ang studio at gaano kaswerte ang madlang audience.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang ilang Kapuso stars na bumisita sa It's Showtime: