
Isa na namang dikit at matinding labanan ng mga boses ang naganap ngayong Martes (April 8) sa "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbakan 2025" ng It's Showtime.
Magkakasunod na nagharap ang mga kalahok mula sa mga natitirang pangkat na Alab at Agimat.
Nauna sa resbakan ang Pangkat Alab contenders na sina Froilan Cedilla at Eich Abando. Parehong bigatin ang kanilang performances na umani ng papuri mula sa mga hurado at madlang people.
Sa huli, si Eich ang itinanghal na panalo sa score na lamang ng isang puntos laban kay Froilan.
Mas lalong uminit ang tanghalan nang sumabak naman ang Pangkat Agimat singers na sina Jeremiah (Miah) Tiangco at Vensor Domasig.
Parehong ibinuhos nila ang kanilang galing sa kantahan. Si Miah, pinahanga ang lahat sa kanyang jazz feels rendition ng "House of the Rising Sun." Habang si Vensor naman ay tinodo ang emosyon sa pagkanta ng kanyang modern-kundiman version ng "Sa Ugoy ng Duyan."
"Napakahirap n'yong i-judge," ani Hurado Erik Santos bago ibigay ang kanyang komento kay Miah.
Nagbiro naman si Ogie Alcasid, "Gusto ko lang sabihin na sobra kami stress. Sumasakit na 'yung batok ko."
Sa kabila ng dikit na laban, si Vensor ang itinanghal na panalo matapos makakuha ng 96.3%. Habang si Miah ay bahagyang nahuli sa gradong 96%.
Agad naging mainit na usap-usapan online ang tapatan nina Vensor at Miah. Nag-trending pa ang kanilang mga pangalan sa X (dating Twitter), kasabay ng official hashtag na #ShowtimePangkatLove.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang highlights ng 'Tawag ng Tanghalan All Star Grand Resbakan 2025' media conference, dito: