
Tiyak na nagbibigay-saya at good vibes ang noontime variety show na It's Showtime.
Patunay rito ang pagkilala na natanggap ng programa mula sa 8th Gawad LaSallianeta kung saan ito ay hinirang na Most Outstanding Variety Show awardee.
Bukod dito, pinangaralan din ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Karylle, Ryan Bang, Amy Perez, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga, Darren Espanto, at Cianne Dominguez bilang Most Outstanding Variety Show Hosts awardee.
Sa episode ng It's Showtime ngayong Martes, labis ang pasasalamat ng hosts sa mga recognition na kanilang natanggap.
Bukod dito, kamakailan lamang ay nakatanggap ng congratulatory greeting si Ryan Bang mula sa kanyang It's Showtime family matapos ianunsyo na kabilang siya sa Top 10 public figures "positively influencing South Korea's global image."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: The most stylish looks of 'It's Showtime' hosts