Trending online ang Cebu-based lawyer na si Oliver Moeller matapos ang kanyang appearance sa “EXpecially For You” segment ng It's Showtime, kung saan nag-match sila ng celebrity searcher na si Kapuso actress-beauty queen Michelle Dee.
Bukod sa kanilang kilig moments, marami rin ang nakapansin sa pagkakahawig ni Oliver sa seasoned actor na si Piolo Pascual.
TIGNAN ANG LOOK-ALIKE PHOTOS NINA OLIVER MOELLER AT PIOLO PASCUAL SA GALLERY NA ITO.
Si Piolo Pascual ay isa sa mga batikang aktor ng Philippine showbiz.
Ang Cebu-based lawyer na si Oliver Moeller ay ang naka-match ng celebrity searcher na si Kapuso actress Michelle Dee sa "EXpecially For You” ng It's Showtime noong April 6.
Kahit nasa late 40s na, looking young pa rin ang aktor na si Piolo Pascual.
Bukod sa kilig moments nila ni Michelle Dee, nag-trending din sa social media si Oliver dahil sa pagiging look-alike ni Piolo Pascual.
Makikita rin sa anggulo na ito ang pagkakahawig nina Piolo Pascual at Oliver Moeller.
Parehong kinakikiligan sina Piolo Pascual at Oliver Moeller dahil sa kanilang charming looks.
Tila maging sa ngiti ay may pagkakahawig sina Piolo Pascual at Oliver Moeller.
Matapos ang kanyang appearance sa It's Showtime, trending pa rin ang pangalan ni Oliver Moeller sa online world.
Certified hunks sina Piolo Pascual at Oliver Moeller dahil sa kanilang fitphysique.
Katulad ni Piolo Pascual, tunay na heartthrob sa gym si Oliver Moeller. Mula sa kaniyang maangas na pangangatawan hanggang sa facial features, kuhang kuha ni Oliver ang dashing look ni Piolo.