Direk Rory Quintos, napansing "kargado" ang mga mata ni Ion Perez

Photo by: Angelo Gabriel Villegas

Photo Inside Page


Photos

Its Showtime Ion Perez



May binigay na payo ang batikan na direktor na si Direk Rory Quintos kay Ion Perez, matapos mapansin na "kargado" ang mga mata nito matapos ang performance sa "Magpasikat" segment ng It's Showtime nitong Miyekules.

Kasama ni Ion sa team VIDA na nagtanghal sina Vhong Navarro, Darren Espanto at Amy Perez.

"You should explore acting seriously," saad ni Quintos kay Ion. "Kini-close-up ka kasi dito. So kini-close-up ang mga mata mo, kargadong-kargado. Sabi ko, 'Ah, meron [ibubuga sa acting]."

Kabilang si Direk Rory sa mga hurado na pumuri sa husay na pagtatanghal ng grupo.

Ayon kay Direk Rory, kung gagawa siya ng comeback project, isasama niya sa cast si Ion.

Very proud naman si Vice Ganda sa kaniyang partner na si Ion, “Hindi naman talaga siya performer eh, pero binibigay niya 'yung makakayanan niya para makapag-contribute sa grupong ito,” sabi ni Vice .

“Lahat ng kaya mo, ibibigay at naibigay mo, nakikita namin 'yon na nagmamahal sa'yo. Sapat 'yon. Na-a-appreciate namin at pinakamamahal namin sa'yo lalo,” dagdag pa ni Vice.

Labis din na ikinatuwa ni Vice ang mga papuri na nadinig niya mula kay Direk Quintos.

Samantala, silipin ang Thanksgiving Mass at ang naganapa na media conference para sa It's Showtime: Magpasikat 2024 sa gallery sa ibaba:


It's Showtime family
Thanksgiving mass
Media Conference
GMA
Kapuso
Worldwide
Special
Family
Magpasikat 2024
15th anniversary

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity