TV

Jose and Maria's Bonggang Villa: Bonggaudition!

By Aedrianne Acar

Masusubukan ang teamwork ng Bonggang Villa team this Saturday night, dahil ang mommy ni Jose (Dingdong Dantes) nagpadala ng isang business consultant.

Ano kaya ang mangyayari sa business ng mag-asawang Villa sa pagdating niya?

Mukhang may mangyayari rin na bonggang audition this week.

Mahanap kaya ni Maria (Marian Rivera) ang entertainers na pasok sa hinahanap nila o mas dapat ba siyang mag-alala na madiskubre ng mister ang third eye powers niya?

Bongga ang entertainment with Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) at sasamahan pa sila ng kanilang special guest celebrities na sina Ricky Davao at Boobay!

Tutukan ang Jose and Maria's Bonggang Villa sa Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng Pepito Manaloto ngayong May 28.

Kilalanin ang versatile at funny cast ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa gallery na ito.