TV

Dennis Trillo, hindi pressured na mag-asawa

By MARAH RUIZ

Certified chick boy ang gaganapang role ni Kapuso actor Dennis Trillo sa upcoming GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.

Isa sa mga kakaibang quotes ng kanyang karakter na si Juan ang "Marriage is not a word. It's a sentence—a life sentence."

Pinaniniwalaan kaya ito ni Dennis?

WATCH:  Meet Juan

"Hindi naman ganun 'yung take ko sa marriage. Ganoon 'yung thinking ng role ko dito. Ayaw niya talagang mag-asawa. Gusto niya, binata siya palagi. Gusto niya marami siyang babaeng makakasama. Ayaw niyang patali lang sa isa. Ako, malayo naman ako sa ganoon. 'Yung role ko dito, hindi naman ako ganon," paliwanag ni Dennis sa piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.

 

Ayon sa kanya, may mga plano rin naman siyang mag-asawa ngunit hindi siya nagmamadali. 

"Ako, ayokong bigyan ng pressure 'yung sarili ko. Ayokong ma-stress out kakaisip kung kelan ako ikakasal or ganun. Pero naniniwala ako na kapag naramdaman mo na 'yun, hindi mo na kailangan isipin kung kelan o ano. Basta bugso 'yun eh. Bigla mo na lang siyang mararamdaman," aniya. 

Para kay Dennis, isang sagradong institusyon ang kasal. 

"Para sakin, hindi ko minamadali yung mga ganoong bagay. Napaka-sacred noon and talagang kapag nag-decide ka na ng ganun, there's no turning back. Kailangan talagang desidido ka na kung gusto mo na talagang matuloy 'yung marriage," bahagi niya. 

WATCH: Juan Happy Love Story: Bawal ang pakipot

Sa ngayon ay masaya at kontento si Dennis sa takbo ng kanyang buhay.

"Masaya naman ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa pamilya ko. 'Yung mangyayari sa future, bahala na. Ayoko lang madaliin kasi mas maganda kapag 'yung natural na proseso," pagtatapos niya.

Abangan si Dennis bilang sa Juan Happy Love Story, simula May 16, pagkatapos ng Once Again sa GMA Telebabad. 

MORE ON DENNIS TRILLO:

Dennis Trillo on working with Kim Domingo: "Maraming maiinggit sa akin"

Dennis Trillo at Heart Evangelista, nag-record ng duet