TV

Jewel Mische, hindi muna sinabi kay Alister Kurzer ang kaniyang buhay artista

By Maine Aquino

Kuwento ng lovelife at buhay pamilya ang ilan sa ibinahagi ni Jewel Mische sa kaniyang pagbisita sa Just In.

Napanood sa Just In si Jewel nitong April 12. Dito ibinahagi ni Jewel kay Paolo Contis kung paano nagsimula ang love story nila ni Alister Kurzer, buhay niya bilang asawa, at mommy of three girls.

Si Jewel ay nakatira na ngayon sa Michigan. Kuwento niya na nagkakilala sila ni Alister sa isang Christian website.

"We met online pero it was a Christian site, it was like a ministry for him when he was there. It was Christian social networking and he was there to, alam mo 'yung counseling online? He was there to pray for people or whoever needs counseling. Ako naman nag-join lang ako kasi honestly curious lang ako noong time na 'yun."

Inamin ng StarStruck season 4 Ultimate Sweetheart na siya ang unang nag-message kay Alister dahil sa nabasa niyang testimony nito sa website.

"We started talking kasi I bumped into his testimony about Christian life and then na-move ako, and then I messaged him. I said I love how you love God, 'yung ganoon. Doon kami nag-start mag-usap."

PHOTO SOURCE: @mischejewel

Pagkatapos ng tatlong buwan ay nagkita na sila ni Alister. Pero bago pa mangyari ang pagkikitang ito ay sinabi ni Jewel na hindi muna sila nagkarinigan ng boses at hindi rin sila nag-video call. Bukod dito, hindi niya rin sinabi na isa siyang artista sa Pilipinas.

"Noong umpisa hindi ko talaga sinabi sa kaniya kasi magkaibigan lang naman kami. I always love our faith-filled conversations, we have the same values, ganiyan. Hindi ko naman in-expect na mauuwi sa mas seryoso so hindi ko binanggit noong umpisa."

Dugtong pa ni Jewel, "I was actually enjoying, 'yung organic ba. Kasi he knew everything about me besides that. He liked me, he was interested for who I was."

Noong naramdaman niyang nagiging interesado na sila sa isa't isa, at dadalawin na siya ni Alister sa Pilipinas, nagdesisyon na si Jewel na aminin ito sa kaniya.

"Siyempre binabalak ko na sabihin sa kaniya bago siya umuwi ng Pilipinas para alam lang niya na hindi siya uuwi dito ng magugulat siya. Back then very visible pa ako, active pa ako sa showbiz. Ayoko siyang ma-shock."

Bago pa man makaamin ang StarStruck graduate ay natuklasan na ni Alister na artista si Jewel sa tulong ng kaniyang kaibigan.

Kuwento ni Jewel, "Ginoogle niya ako, noong time na 'yun hindi ko ginamit 'yung Mische. Naggamit ako ng apelyido from my mom's side. Ginoogle niya yun, walang lumabas. Inilagay niya daw Jewel pilot Philippines sabi niya surely there's not a lot of lady pilots in the Philippines. Nag-pilot school ako, I was a pilot. Doon daw lumabas lahat yung information about me and he was so shocked."

Saad pa ni Jewel sa Just In, "Akala niya nagpi-pretend ako na Jewel Mische. Oh my gosh natagpuan ko yung Christian girl na gusto ko, na-inlove na ako sa babaeng ito, 'yun pala she's just a pretender. Akala niya nagpi-pretend lang ako."

Inilahad ni Jewel na hinintay pa rin siya ni Alister na aminin ang kaniyang showbiz background sa kaniya.

"He gave me time, hindi niya ako kinonfront... He waited for me. A week after that incident doon ko sinabi na I have something to share.

Paliwanag pa ni Jewel ang naging desisyon ni Alister bago sila magkita.

"At that point when he was praying, he was decided na as long as genuine 'yung pagkatao niya and 'yung faith niya kay Lord, kahit sino pang makita niya sa personal, whoever shows up sa airport, as long as she's not a man, I'll marry this person."

Kahit na maganda ang kinalabasan ng kanilang love story, inamin ni Jewel na nag-hesitate siyang sabihin sa interview na nagkakilala sila online. Paliwanag niya, "Medyo hesitant lang ako sabihin 'yung online kasi ayoko magkaroon ng impression 'yung mga tao. Ayoko i-promote yung online dating. It doesn't work all the time."

Panoorin ang episode na ito ng Just In:


SAMANTALA, BALIKAN ANG FAIRY TALE CASTLE NINA JEWEL AT ALISTER DITO: