TV

Baron Geisler at Paolo Contis, nagbalik tanaw sa pinakamatindi nilang away

By Felix Ilaya

Sa pilot episode ng 'JUST IN: An Online Kumustahan with your Favorite TV Personalities,' nakapanayam ni Paolo Contis ang isa sa kanyang longtime friends sa showbiz na si Baron Geisler.

Habang sila ay nagkuwe-kuwentuhan, nagbalik tanaw sina Paolo at Baron sa kanilang nakaraan at isa sa napag-usapan nila ay ang kanilang pinakamatinding away.

Hindi na idinetalye ng dalawa ang sanhi ng kanilang away pero ikinuwento ni Baron ang kaniyang ginawa para magkaayos sila.

Aniya, "May ginagawa akong sobrang hanggang sa ngayon, hindi ako natutuwa sa ginawa ko sa 'yo.

"Three weeks tayong hindi pinapagsama sa eksena dahil susuntukin mo daw ako. Ako naman, sabi ko, 'Teka muna, nawawalan ako ng eksena dito 'ah? Baka next time mawalan ako ng taping dito.'

"Nag-text ako kay Paolo, hindi na ako nagsabi na pupunta ako. Pagdating ko doon, nakita ko siya, lumuhod ako kaagad, pero hindi acting 'yon, umiiyak ako noon, medyo humahagulgol ako noon.

"Tapos biglang kinuha mo na lang ako tapos niyakap mo ako. After noon naging best friend na tayo."

Inamin naman ni Paolo na sobrang malapit sa puso niya si Baron at parang kapatid na rin ang turing niya dito.

"To be honest, sa lahat ng nanonood, Baron is very close to my heart.

"Siguro dahil sa haba na ng panahon, regardless kung hindi kami mag-usap nang matagal pero 'pag nag-usap kami parang kahapon lang kami nag-usap.

"He has a very special place in my heart kasi mahal ko 'yang kapatid ko na 'yan," wika niya.

Nagbalik tanaw at pinag-usapan din ng dalawang aktor ang kanilang mga project na pinagsamahan nang silipin nila ang kanilang throwback photos na nahalungkat ni Paolo sa baul.

Panoorin ang honest at nakakatuwang kuwentuhan nina Paolo at Baron sa pilot episode ng 'JUST IN' below:

Mapapanood ang 'JUST IN' every Wednesday night kasama ang alternating hosts na sina Paolo Contis at Vaness Del Moral sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.