TV

Pepe Herrera, teacher sa isang international school bago naging komedyante

By Maine Aquino

Mas nakilala ng mga manonood si Pepe Herrera nang siya ay mag-guest sa online kumustahan show ni Paolo Contis na Just In.

Nitong June 17, sinagot ni Pepe ang isa sa mga tanong ni Paolo tungkol sa kanyang naging trabaho bago siya naging aktor.

Kuwento ni Pepe, naging teacher siya sa Multiple Intelligence International School bago siya nagteatro at showbiz.

"Oo 'tol, akalain mo?" Natatawang kuwento ni Pepe kay Paolo.

Tinanong naman siya ni Paolo kung mahaba na ba ang kanyang buhok noong panahong nagtuturo siya.

"Sa Multiple Intelligence sa Katipunan, oo mahaba na buhok ko noong nagtuturo ako."

Naniwala ba ang mga estudyante niya sa kanya?

"Oo naman, awa ng Diyos," Natatawang sagot ni Pepe.

Panoorin ang kanilang kuwentuhan sa Just In:

G Töngi, aminadong nakakaramdam ng pagsisisi na iniwan niya ang showbiz