TV

Michelle Madrigal, inaming nakilala ang asawa sa dating app

By Maine Aquino

Si Michelle Madrigal ang special guest ng Just In nitong July 22 kung saan nakachikahan niya ang host na si Vaness Del Moral.

Kuwento ni Michelle nakilala niya ang kanyang asawa na si Troy Woolfolk sa dating app na Tinder.

"Nag-meet kami sa Tinder. So 'yung mga Tinderella queens diyan, there's hope!"

Payo ni Michelle ay tignan mabuti ang profiles bago mag-swipe.

"Basta check niyo lang 'yung application form, huwag ka lang swipe ng swipe kasi minsan ang mga intentions ng mga ganyan, hindi pure 'di ba?"

Ibinahagi ni Michelle na noong umpisa ay puro college students ang iba niyang naka-match sa dating app.

"Nagtingin-tingin lang ako then ang mga nakikita ko doon mostly college students. Girl, tayo mga mukha natin dito para tayong college."

Nilinaw ni Michelle na hindi niya ito pinursue dahil pagpapamilya na ang kanyang hanap sa isang partner.

"For me ayoko naman na mag-date ng bagets! 'Yung mindset ko iba na, gusto ko ng mag-family."



Nag-stand out umano si Troy dahil sa kanyang mensahe pati na rin sa pagkakapareho ng kanilang interests.

Saad ni Michelle, "Ay guwapo si kuya, tapos parehas kami ng interests; fitness, hiking mga ganyan, outdoor, dogs. Tapos biglang message siya sa akin. Ang message sa akin ni kuya, different from the rest."

Dagdag pa ng dating aktres, "Mga tanong niya more like personal so okay you got my attention. Message message then same week nag-meet kami."

Sa kanilang first date, si Michelle ang namili ng restaurant na kanilang pupuntahan. Aminado rin siyang nagsabi siya sa kanyang mga kaibigan kung sino ang kasama niya dahil first time lamang nila magkikita noon.

"Dinner ako namili, favorite sushi restaurant ko, sabi ko okay let's meet here yung mas malapit sa bahay ko para kung may mangyari tawagan ko 'yung mga kaibigan ko."

"Kuwentuhan lang, pero feeling ko kaya nagustuhan ko rin dahil yung kuwentuhan namin light lang."

Natatawang dugtong ni Michelle ay after 6 months nagka-baby na sila ni Troy.

"After a few months may baby na kami."

"I'm ready naman, hindi naman na ako bagets at that time. Okay na ako ready na ako mag-family."

Isa sa mga inilahad ni Michelle ay dahil bago lang ang kanilang relasyon nag-decide siyang kung hindi ready si Troy, itutuloy niya ang pagbubuntis na siya lang mag-isa.

"Decision ko to keep it, kung gusto kong ituloy ito responsibility ko siya. You don't have to do anything. hindi kita kukulitin na hoy magbigay ka ng ganyan. Decision ko 'yun. He was man enough I want to do this."

Noong umuwi umano siya sa Pilipinas sa kasal ng kapatid na si Ehra Madrigal ay buntis na siya. Nanatili si Michelle sa bansa dahil sa maselan niyang pagbubuntis.

"Nag-stay ako sa Philippines for a few months kasi medyo sensitive yung pregnancy ko at that time. I couldn't travel."

Pagbalik niya ng Amerika. Nagbakasyon umano siya kasama ang pamilya ni Troy sa Dominican Republic at doon nag-propose ang kanyang asawa.

Ikinasal sina Michelle at Troy last April 2019.

Michelle Madrigal shares symptoms of breast explant surgery

Michelle Madrigal joins 'Black Lives Matter' protest