TV

Roadfill Obeso, ikinuwento ang naging career from Moymoy Palaboy to 'Bubble Gang'

By Maine Aquino

Sa Just In nitong August 12 sinagot ni Roadfill Obeso ang tanong ni Paolo Contis tungkol sa pagsisimula niya sa Moymoy Palaboy. Masasabi kaya ni Roadfill na nakaalis na siya sa identity niya bilang parte ng Moymoy Palaboy?



Ayon kay Roadfill, ang pagiging parte ng P.A.R.D. at pagiging gamer ang naging paraan para makilala ang kanyang pangalan.

Ang P.A.R.D. ay ang grupo nina Roadfill, Paolo, Antonio Aquitania, Sef Cadayona, Boy2 Quizon at RJ Padilla.

"Sa tingin ko may ibang part na nakikilala na ako as Roadfill dahil sa P.A.R.D. at dahil sa ginagawa kong gaming. Pero hindi pa rin naaalis 'yung Moymoy Palaboy duo namin so parang ngayon, hanggang ngayon feeling ko mas kailangan pa natin i-push pa as Roadfill. 'Yun 'yung nakikita ko."

Kuwento ni Paolo ay talented si Roadfill. Isa umano siyang writer sa Bubble Gang noon, gamer, at nagsulat ng kanta ng P.A.R.D.

Ibinahagi ni Roadfill na hindi nila makakalimutan nang nakilala nila ang cast ng Bubble Gang.

"Isa sa pinakamasayang nangyari sa aming magkapatid 'yung first time na na-meet namin lahat ng cast ng Bubble Gang ng sabay sabay. Feeling namin nun cloud 9, hindi kami makapaniwala."

Natatawang dugtong niya, "Si Paolo hindi namamansin."

Nilinaw naman ni Paolo kung bakit siya hindi namamansin noon.

"Nakita ko sa Bubble e. Sabi ko sino 'yan? Kasi hindi ako ma-computer na tao e. 'Yan ang Moymoy Palaboy, tapos pinapanood sa akin. Nagli-lipsync lang nasa Bubble Gang na bat ganon?" Natatawang kuwento ni Paolo.

Dugtong ni Roadfill magkaibigan na sila ngayon ni Paolo dahil nakilala niya na ito ng husto.

"After that, mabait pala si Pao. Kengkoy pala sa set."

Kuwento pa ni Paolo, "Defense mechanism ko 'yun e, magsuplado agad e."

Panoorin ang kanilang nakakatawang bukingan sa 'Just In.'


ALSO READ: Boy2 Quizon, ibinahagi kung ano ang epekto ng new normal sa showbiz