TV

Iya Villania, inaming nag-alangan sa pagtanggap sa Chika Minute noon

By Maine Aquino

Sa Just In, ikinuwento ni Iya Villania ang totoong dahilan kung bakit nag-alangan siyang gawin noon ang kanyang trabaho sa Chika Minute .

Natatawang tanong ni Vaness Del Moral sa kanyang kaibigan na si Iya, "Hindi ka ba nahihiyang sumayaw sa tabi nina Sir Mike (Enriquez) at Ms. Mel (Tiangco)?"

Sagot naman ni Iya, matagal tagal rin bago niya naipakita ang kanyang kakulitan sa set ng 24 Oras.

"It took a while. Isa rin 'yan sa dahilan kung bakit nag-aalanganin akong tanggapin 'yung trabaho. Kasi siyempre, Tita Mel, si Sir Mike, mga haligi ng GMA. So siyempre nahihiya ako parang hindi ako belong doon."

Naging komportable rin umano si Iya at ito ay dahil may experience siya bilang isang VJ noon.

"Eventually I got comfortable...Doon ko nakuha 'yung comfort ko at confidence talking to myself in front of the camera and reading the prompter. Kasi actually skill 'yan ha na nakakapagbasa nang maayos sa prompter."

Nang maging komportable na si Iya ay ipinakita niya na ang kanyang kakulitan sa mga batikang news anchors ng GMA Network.

"I felt na puwede na ako maging balahura at puwede ko na i-inject 'yung totoong side ko na kengkoy, na silly, na mukhang natutuwa din naman si Tita at si Sir Mike."

Pakiramdam rin ni Iya ay natutuwa sila sa kanya dahil siya ang nagdadala ng lightness sa programa.

"They already do the hard news, I guess they like the lightness that I bring."

Iya Villania introduces baby Alana Lauren to the public

LOOK: Iya Villania's postpartum body transformation