
Inamin ni Carol Banawa na iba ang naging paraan ng pagpapalaki at pagdidisiplina niya sa kanyang mga anak ngayong naninirahan sila sa US.
Lumipat si Carol sa US kasama ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo para doon na bumuo ng kanilang pamilya.
Sina Carol at Ryan ay may dalawang anak na sina Chelsea at River. Inaasahan naman nila ang pagdating ng kanilang ikatlong anak sa 2021.
Photo source: @iamcarolbanawa
Ayon kay Carol, malaki ang kaibahan ng pagpapalaki ng bata sa ibang bansa. Pag-amin niya, sa kultura ng mga bata sa US ay sanay sila sa pagiging outspoken sa nakakatanda sa kanila pati na rin sa kanilang mga magulang. Malayo umano ito sa kultura ng mga Pinoy na tahimik lang kapag napagsasabihan ng magulang.
"Tayo sa Pilipinas 'pag pinagsasabihan ka, kinakausap ka ng parents mo, huwag kang sasagot. Tahimik ka lang. Dito hindi, sumasagot sila. And they are very outspoken.
"And then 'pag inano mo na bakit ka sumasagot? Mag-e-explain siya talaga na you told me that I have to explain myself, and I have to fight for what I know."
Bukod sa kultura, kapansin-pansin din daw ang kaibahan ng generation niya sa kanyang anak.
"Iba 'yung generation natin. Sa Pilipinas naman maybe not as outspoken as the kids here 'yung generation now, Pero iba na rin ang generation ng kids diyan e."
Ang isang pinaniniwalaang malaking impluwensya sa mga kabataan ay ang paggamit ng iba't-ibang social media platforms.
Kuwento ni Carol, "I think it has a lot to do with social media generation. It gives you so much power to say what you want and parang 'yung mga tao, this is my page, this is my Twitter account or whatever."
Ang kanyang asawa na si Ryan ay naniniwala umano na dapat ay hindi i-bend ang rules for the younger generation. Pero para kay Carol, importante na i-consider ang pagkakaroon ng middle ground para hindi malayo ang loob ng kanilang anak.
"'Yung sinasabi ni Ryan, nung asawa ko, why would you bend 'yung mga rules or mga beliefs just to accommodate 'yung now, kung ano 'yung meron now.
"Kaya lang, at the same time, kailangan e kasi hindi talaga magmi-meet. Not to bend pero you have to meet halfway. There has to be that middle ground. Otherwise, wala gyera talaga. Hindi talaga kayo magkakasundo."
Si Carol ay nagkuwento ng kanyang buhay sa ibang bansa sa online show ng kanyang kaibigan na si Paolo Contis na Just In.
Alamin ang buhay ni Carol, Ryan, at kanilang mga anak sa US sa gallery na ito.