TV

Behind the scenes of Paolo Contis and Vaness Del Moral's interviews for 'Just In'

By Maine Aquino

Patok sa netizens ang interviews na napanood sa season 3 ng Just In.

Pero alam niyo ba na bawat interview na ito ay may mga nakatutuwang eksena ang hosts na sina Paolo Contis at Vaness Del Moral?

Sa episode nitong April 28 ng Just In, ipinasilip nila kung ano nga ba ang nangyayari sa bawat interviews nina Paolo at Vaness.

Ngayong season na ito ay nakasama nina Paolo at Vaness ang mga artista na sina Princess Punzalan, Cindy Kurleto, Jao Mapa, Kim Delos Santos, at marami pang iba.

Photo source: Just In

Sa video mapapanood ang nakakatuwang mga usapan na hindi nakita sa ilang episodes ng Just In. Mayroon ring ilang mga eksena na kinatuwaan ng mga manonood.

Panoorin ang nakakatuwang mga kuwentuhan nina Paolo at Vaness kasama ang guests ng Just In sa video sa itaas o sa link na ito.

RELATED CONTENT:

Just In: Throwback Wednesday with Former 'T.G.I.S' star Red Sternberg | Full Episode 12

Just In: IT'S BUKINGAN TIME with Kaye Abad! | Full Episode 13