
Inilahad ni Kiray Celis ang kaniyang paniniwala kung bakit hindi siya pabor sa pagli-live in bago magpakasal.
Ikinuwento ito ni Kiray ng bumisita siya sa online show ni Paolo Contis na Just In nitong March 15.
Saad ni Kiray, "Kailangan kasal muna bago ang lahat."
Ayon kay Kiray, marami ang nag-akala na naka-live-in setup na sila ng kaniyang boyfriend na si Stephan Estopia.
Ani Kiray, "Ang daming nagsasabi na akala live-in kami ng jowa ko, kasi noong pandemic every day siya nasa bahay namin. So paano nangyari e lockdown nga. Kabilang kanto lang siya ng bahay namin. Same barangay kami, kaya noong close yung barangay namin, magkabarangay kami, so nakakapunta siya sa bahay namin."
Pag-amin pa ni Kiray, mag-best friend ang kapatid niya at si Stephan.
"Kasi best friend nga siya ng kapatid ko, kapitbahay lang talaga namin siya."
Pagdating sa pagbuo ng pamilya, inamin ng 28 year old actress na hindi pa siya handa rito.
"Hindi pa yan yung priority ko at saka may takot kasi ako. Ayoko na hindi ako ready 'pag nangyari 'yun," paglalahad ng aktres sa kaniyang interview.
Para kay Kiray, alam niyang blessing ang pagkakaroon ng anak ngunit hindi pa raw siya handa sa role na pagiging magulang.
"Alam kong blessing ang mga bata, ang mga babies, sa ngayon, ngayon pa lang siguro ako nag-e-enjoy ng pera ko, gusto ko pa tumulong sa parents ko kaya hindi pa ako ready sa baby."
Isa pa sa nilinaw ng Kapuso star ay naiintindihan siya ni Stephan sa kaniyang desisyon na ito.
"Maintindihin naman 'yung boyfriend ko. Hindi naman niya ako kinukulit sa mga ganoong pagkakataon. Siguro, naka-quota na siya sa mga dating pinagdaanan niya sa buhay."
Sina Kiray at Stephan ay nag-celebrate ng kanilang 3rd anniversary sa Thailand nito lamang January 2023.
SAMANTALA, BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA KIRAY AT STEPHAN: