TV

Kiray Celis, inaming napupunta ang buong sweldo sa mga magulang

By Maine Aquino

Ikinuwento ni Kiray Celis na ang kabuuang sweldo niya sa pag-aartista ay napupunta sa kaniyang mga magulang.

Inamin ito ng Sparkle artist sa kaniyang pag-guest sa online talk show ni Paolo Contis na Just In noong March 15.

PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center

Ayon kay Kiray, "Lahat ng pera ko nasa kanila. By choice. Lahat ng work ko, nasa kanila, na kay mama at kay papa."

Inilahad ni Kiray na ang naitatabi niyang pera para sa kaniyang sarili ay mula naman sa kaniyang ibang mga raket.

"Kung mayroon lang akong raket-raket, kunwari, pa-post ganiyan sa Facebook, 'yun na lang 'yung sine-save ko sa sarili ko."

Ikinuwento ng 28 year old actress na ginagawa niya ito dahil pangarap niyang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Ani Kiray, "Kasi gusto maging okay muna 'yung buhay ng family ko bago ako maging okay.

Itinanong naman ni Paolo kung sa tingin ba ni Kiray ay hindi pa okay ang estado ng pamilya ni Kiray.

Sagot ni Kiray kay sa Just In host, "Hindi pa 'yun, I want more.

Paliwanag ng aktres, "Kasi noong nabilhan ko ng bahay 'yung parents ko, akala ko doon matatapos 'yung pangarap ko kasi noong bata pa ako, ang pangarap ko sa kanila ay bahay. Noong natupad ko 'yun, kaya ko pa pala mangarap ng marami."

Inilahad pa ni Kiray ang mga naipundar niya sa kaniyang pamilya.

Saad ni Kiray, "Nakakatatlong lupa na ako para sa mama at papa ko aside sa bahay namin. Lupain. Pinapatayuan namin 'yun, pinapa-rent namin."

Pahayag ng Kapuso star, ginagawa niya ang kaniyang lahat ng makakaya hanggang kapiling niya pa ang mga magulang.

"Kasi naisip ko tumatanda na ako, habang tumatanda ako, tumatanda sila, ine-embrace ko na kasama ko sila."

Panoorin ang episode na ito ng Just In:

SAMANTALA, BALIKAN ANG ILAN SA MGA STUNNING LOOKS NI KIRAY: